Chapter 15

456 26 0
                                    

Valarie

Nagpalit na ako ng damit, sinuot ko din yung kwintas at hair accessory. Hindi ko mapigilan na hawakan yung kwintas na nasa leeg ko habang nakatingin sa salamin, ang ganda naman noon. 

Hinalungkat ko yung bag ko at ng makita ang ilan sa mga pills at potions na nasa potion kit ko ay kumuha ang ng isa doon, hindi ko lubos akalain na kakailanganin ko na naman yun. Ayaw ko lang talaga na mag-collapse na naman...

Huminga ako ng malalim bago kinuha yung paper bag at bumaba na, kanina ko pa din na ririnig ang ingay sa baba. Sumilip ako sa bintana kanina at nakita na gabi na pala.

"I'M HERE PEOPLE!" Sinubukan ko na magmukhang energetic, well excited naman talaga ako so hindi ko naman siguro pinepeke yung excitement sa bosses ko.

Hindi ako nakaramdam ng hiya lalo na ng maghiyawan ang mga tao dahil mga kamaganak lang din naman namin ang mga yun, pati wala na din sigurong mas ikahihiyang moment pa yung ngyari kahapon. Sa Head Family na mismo ako napahiya, anong tatalo doon?

"Arie hija!" Napangiti ako at niyakap ang lola ko sa mother side.

"La! Grabe ang ganda ninyo ah!" Puri ko dito kaya naman natawa ito at napailing pa.

"Ate Valarie!" Ngumiti naman ako at lumuhod para mayakap ang bunsong anak ni Tita Vridien (kapatid ni daddy) na si Hyenna.

"May pasalubong ako sayo although pinabili ko lang ito sa friend ko, here oh," sabi ko at pinakita sa kaniya yung cute na hair clip.

"Wow ang pretty!" Ang cute niya lang talaga! Inipit ko yun sa buhok niya bago siya nginitian.

"Boyfriend niyo po ba ang sinasabi ninyong friend?" Nanlaki naman ang mata ko sa tinanong niya.

"B-Boyfriend?! W-Wala! Hindi! Wala pang boyfriend si Ate Valarie ahehe," tanggi ko kaya naman nagtawanan ang mga nakarinig hala...

"Dapat lang na wala!" Nagangat ako ng tingin at nakita ang nakapamulsang si kuya, naalala ko bigla ang itsura ni Kyllen kanina...

Hala ka Valarie!! Ano yang naaalala mo! Buti na lang nakasara ang isip ko.

Tumayo na ako at nginitian si kuya pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya, nakakatakot naman.

"Tita Vriden hello! Pabigay na lang po ito kila Hannah at Dennis," sabi ko naman at nakangiti naman yung tinanggap at syempre nagkamustahan na din kami, mukhang nagalala siya kanina ng hindi ako nakita kanina.

"Napagod lang po," sabi ko at tumango naman ito bago hinanap ang mga pinsan ko na paniguradong nakikipag dal-dalan sa iba pa.

Minsan lang naman kasi kami magkita-kita, kalat din kami. Karamihan sa mga pinsan ko ay sa Aqua Academy nagaaral habang ang iba naman ay lower years sa Heix Academy, meron din na sa mga simpleng school lang nagaaral sa ngayon tapos lilipat sa Aqua Academy or Heix Academy sa susunod na mga taon o kaya naman doon na talaga sila.

"Ikaw couz ha, di mo man lang sinabi na may something pala kayo ni Kyllen-sama!" Nanlaki ang mata ko ng makita si Violet, ang paborito kong pinsan.

"Io!!" Nakangiting sabi ko at nakipagyakapan sa kaniya at niyakap naman niya ako pabalik, bigla naman nagprocess sa utak ko yung sinabi niya kaya napahiwalay ako sa yakap agad.

"Anong something?!" Gulat na tanong ko, ramdam ko din ang pamumula ng pisnge ko. Hala...

"Nako couz wag mo na itanggi kitang kita namin nila mama at nila Tita Scargen pati na din nila Lola kung paano ka buhatin ni Kyllen-sama!" Nanlaki naman ang mata ko ano daw?!

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon