Chapter 5

618 33 8
                                    

Valarie

"Ang ganda talaga ni Princess Erinne as in huhu," sabi ni Kathy habang naglalakad kami papunta sa first class namin, may mga nakasalubong kaming mga High-tier kaya agad kaming tumungo at bumati.

"Ano kayang ugali niya?"Hindi mapigilang i-tanong ni Therese.

"Siguro mabait, chosen one e," sabi naman ni Sleigh maging ako ay napatango, isa yun sa mga qualifications. Hindi malimit na magkaroon ng chosen one, isa lang din ang ibig sabihin pag may na silang na chosen one at yun ay may isang kalamidad na mangyayari. Kaya naman ng ipinanganak si Princess Erinne ay agad na mas humigpit ang mga training ng bawat school at ng bawat forces. Kaya naman ganoon na lang ang kalungkutan ng buong Realm ng mawala ito.

Pumasok na kami sa Terrane Training Room 1 to proceed with our first class today, weaponry. Last time we picked a compatible weapon for us and I got a scepter which is a good match for me, I plan on becoming a mage. Mamaya ay pipili na kami ng compatible battle outfits sa etiquette class namin and we'll see if our weapon won't clash with it.

"Ang ganda talaga ng pearl scepter mo Valarie, ang cute!" Natawa na lang ako sa sinabi ni Kathy habang nakatingin pa din sa scepter na hawak ko (pic at the top), the scepter's just average and it's not a legendary weapon or something. We're kind of lucky to get some pretty good weapons, mas maaga kasing nakakakuha ng weapons ang mga high-tiers and kalamitan ay nauubusan kami ng mga magaganda at compatible sa amin.

Add the fact na karamihan or halos lahat ng legendary weapons ay na sa kabilang side ng realm. We can't blame them though, they're privileged. Pero kahit ganoon ay masaya pa din ako, I mean being not privileged makes you see the world for what it really is. At dahil sa perspective na yun ay mas matututo kami, we can adjust to different circumstances.

White Twin Swords ang nakuha ni Kathy, Bow and Arrow kay Therese, at Scythe naman kay Sleigh. Magkakaroon din kami ng trial ngayon, to see what we need to improve in using these weapons. Ang maganda sa school weapons ay kapag pumasa ka sa compatibility test nito at tinanggap ka ng weapon ay automatic na mapapasa sayo ang knowledge nito, on how you can use it to its full potential. 

Of course limited din and school weapons, you can't engage to battle o kaya naman activate spells ng walang permission. Recorded din ng school ang activity ng bawat weapon(kasi may mga circumstances tulad ng practice outside school ganoon), they make sure that we are disciplined.

We only get the real version of our school weapon when we reach our 4th year, which is next year for us. May changes din na gagawin sa weapon namin depende sa kung anong pipiliin namin, but I'm dead set on being a mage. Less complications...

"Nhinyae, Valarie Scarlett," tawag sa akin ni Sir Stanley kaya naman pumunta na ako sa center stage at pumikit before attacking the crystal ball na siyang magm-measure ng strength and compatibility ko sa weapon ko.

"Aquiris, River Splash!" Chant ko at agad naman umilaw ng asul ang scepter ko at nagpakawala ng malakas na agos ng tubig, medyo na basa si Sir Stanley dahil pumalya ng konti ang aim ko kaya nakarinig ako ng mga tawanan. 

Agad na natuyo ang platform at si Sir Stanley kaya agad akong humingi ng tawad. 

"86, average as always Ms. Nhinyae. Do focus on your aim next time, you might kill your comrade," agad naman ako namula at nagtawanan na naman sila, ang bait talaga ni Sir Stanley, ang sabi nila ay kababata niya daw si Warrior Tres.

May binigay na naman na papel sa akin ang isang elf kaya agad ko yun kinuha at binasa habang naglalakad pabalik sa inuupuan ko kanina.

Valarie Scarlett Nhinyae, mid-tier

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon