Chapter 10 pt.2

479 27 2
                                    

Valarie

"Woohh!!! GO VALARIE!!!!" Natawa na lang ako ng marinig ang rinig na rinig na sigaw nila Kathy, Therese, at Sleigh. Mukhang pinagpraktisan pa talaga nila yun dahil sabay-sabay talaga silang tatlo.

Nakita ko naman kung paano matawa si Sir Stanley at nag-approve sign pa talaga siya kila Kathy kaya naman tumili ang mga ito. Ang weirdo talaga ng mga kaibigan ko.

Kanya-kanyang cheer na din sila ng gusto nilang contender simula ng sumigaw sila Kathy. Nakita ko naman kung paano ako irapan ng katabi ko, hala...

"Ang ingay ng friends mo ha, nakakairita," nagulat ako sa sinabi nito, alam nilang ako si Valarie kasi may parang mga ribbon kami na puti na nakatali sa forehead namin tapos nakasulat doon ang pangalan namin.

Yung parang mga nilalagay ng mga tao na sobrang studious sa ulo nila na minsan "fighting" ang nakalagay. Hindi ko alam ang tawag sorry ahehe.

"Sorry," yun na lang ang sinabi ko at ngumiti ng mapagpaumanhin. Hindi ko naman alam kung bakit parang mas nainis siya sa ginawa ko, hala...

"Okay! So here are the rules! May mga binago tayo ngayon so good luck players," napalabi naman ako ano ba naman yan, at least dapat sinabi nila na may mga binago sila. All these years kasi ay consistent lang ang rules.

"Tulad pa rin naman ng dati but! This time after you say your answer you're going to discuss a certain topic about your answer (mas papalawakin yung sagot). Example," naghiyawan ang lahat ng lumabas sina Kyllen-sama, Hylda-sama, at Lester-sama. Ang balita ko ay sila ang top 3 students in terms of academics, nangunguna si Hylda-sama at panghuli si Kyllen-sama.

Hindi ko alam kung sadya ba yun pero sa pwesto ko talaga pumunta si Kyllen-sama, agad akong nagiwas ng tingin at narinig ko naman siyang matawa.

"Ready your weapons," sabi ni Ate Francine agad naman nilabas ni Kyllen-sama ang Moon Water Scepter. Hindi ko mapigilang humanga doon, napakaganda noon at ayon sa pagkakaalam ko ay pede yung maging isang spada. Isa yun sa mga rare weapons na may dalawang anyo.

"Question one:  Classification is medium, what year was the school founded and name the 4 founders!" Pagkasabi noon ni Ate Francine ay agad na nagunahan ang beam ni Kyllen-sama, air ball ni Lester-sama, at arrow ni Hylda-sama sa kanya-kanyang mga buzzer.

Nakita ko kung paano mamutla ang ilang mga competitors, hindi siguro nila inakala na ganoon kahirap ang mga tanong. Pero madami pa din sa kanila ang mga walang kibo, inaabangan kung ano ang mangyayari.

Unang tumama ang air ball ni Lester sama dahil ang buzzer niya ang unang umilaw, sa kaniya napunta ang spotlight. Oo ganoon ang pressure.

"1324, Helen Tokugawa, Ester Fukawa, Isander Kinoshita, and Xrein Miyake," kalmadong sabi ni Lester-sama.

"Correct! Proceed," sabi naman ni Ate Francine kaya naan naghiyawan ang mga tao pero sumenyas si Headmistress ng quiet kaya naman natahimik ang lahat.

"1324 is known as one of the greatest years we've ever had in this side of the realm because of certain discoveries and also the founding of our current system (pertaining to the districts, 3 main families, head family, head of each tribe). Helen Tokugawa is well known for her amazing musical abilities. Ester Fukawa is known for her respect in etiquette and style even in the battle field. Isander Kinoshita is known for his flawless academic records. And lastly Xrein Miyake is known for his amazing skills physically. All of them are born with Heixian Blood and coincidentally speaking, if you put together the first letters of their first nanes it will form the word "Heix", " sabi ni Lester-sama at agad naman nagpalakpakan ang mga tao, kahit ang judges ay napapalakpak.

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon