Valarie
"Teka, ano bang ginagawa ninyong dalawa?" Nagtataka na sabi ko habang nakatingin kila kuya at Kyllen na kanina pa nagtititigan. Napalingon naman silang dalawa sa akin.
"Wag mong sabihin na gusto mo talagang samahan mag-lunch ang lalaking ito Arie? Aba, diba wala kang pake sa mga branded?" Halos mapaubo ako sa sinabi ni kuya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Kuya nakakahiya ka talaga!" Na sabi ko na lang at napatakip na lang sa mukha dahil sa hiya. Tawagin ba namang branded ang isang candidate successor, minsan ang sarap talaga itakwil ni kuya...
"What the hell are you doing here Vriee, kanina ka pa hinahanap nila Kenneth," napanganga naman ako ng pumasok sa loob si Nympha-sama. Omo, ano kayang reaction ni kuya?
"Sabihin mo na lang na busy ako at kailan pa kayo naging close?" Nanlaki ang mata ko ng ganoon na lang kausapin ni kuya si Nympha-sama! Nakakahiya talaga siya!
I mean shouldn't it be awkward? Nireject niya kaya si Nympha-sama tapos napakasungit pa niya! Minsan talaga ang insensitive ni kuya! Isusumbong ko talaga siya kay Mommy!
"I'm not your maid or friend for you to order around Vriee, sana alam mo position mo," muntik na ako matawa sa sinabi ni Nympha-sama bago niya kami nilampasan at naupo na sa sofa. She got her book at hindi na kami pinansin pa.
Nandito kami sa private lounge area ng mga Candidate Successors. Hindi ko alam kung pede ba kami dito o ano.
"Woah di pa din kayo tapos dalawa diyan? Alam mo Valarie halika na, I'm sure your hungry. Hayaan mo na ang dalawang yan," wala na akong nasabi ng hilahin na ako palabas ulit ni Saedi-sama.
"Wha-! Hoy Saedi ikaw ha! Malaman-laman ko lang talaga na pati ikaw may gusto sa kapatid ko sinasabi ko sayo! Sinasabi ko talaga sayo!" Banta ni kuya pero tinawanan lang siya ni Saedi.
"You're seriously over-acting Vriee, wait for me!" Sabi ni Kyllen bago kami hinabol ni Saedi-sama.
Sakto naman na paglabas namin ay nakasalubong namin si Ziahra-sama. Agad na nagliwanag ang mukha niya ng makita si Saedi-sama.
"Oh! Going to have lunch honeybunch?" Ganoon na lang ang pamumula ko ng marinig ang tawag niya kay Saedi-sama at talagang ganoon na lang ang gulat ko ng ipulupot niya ang dalawang kamay sa braso ni Saedi-sama.
Nagulat naman ako ng biglang may tumakip sa mata ko hinawakan ko yun at agad na napalunok ng bulungan ako ni Kyllen, "Don't worry I'll protect your innocent eyes."
"Hoy Kyllenlen ano yang binubulong mo sa kapatid ko!" Nagulat naman ako ng tinanggal ni Kyllen ang pagkakatakip niya sa mata ko at agad akong hinila palayo doon and soon we both found ourselves laughing habang hinahabol kami ni kuya.
---
Hindi na ako nagpahatid pa sa classroom kay Kyllen, alam ko naman kasi na madami pa siyang dapat gawin. Hindi pa announced kung kailan gaganapin ang pagpili ng official successor pero alam ko na naghahanda na sila sa mga possibleng mangyayari.
Idagdag na din natin na madami pang magiging pagbabago sa systema, madadagdagan ang may kapangyarihan. At sana lang ay makatulong ito imbes na makasama.
"Ganda ng ngiti natin ah," napalingon ako at nakita sila Kathy. Tsaka ko lang narealize na ngumingiti na pala ako.
"Sana all may pa running around the halls na nalalaman, approve ako sa pagrerebelde mo Valarie," natawa naman ako sa sinabi ni Therese, napaka-ironic lang dahil madalas na strict rule followers ang mga taga Terros Tribe.
Nagkwentuhan pa kami pero di din yun nagtagal dahil pumasok na sa room si Sir Gilbert, ang teacher namin sa Laws and Regulations.
Agad kaming umupo ng maayos at nanahimik ang buong classroom. Strict kasi si Sir Gilbert.
"We will discuss about violations regarding the Crystal Domain." Napalunok ako sa sinabi ni sir, ganoon na lang kasi ka-seryoso ang mukha niya.
Pero kung iisipin lagi naman siyang seryoso.
"The Heix and Crystal Domains have long been divided due to some resource and trade problems, personal affairs, and let's just say breach in tradition. We will discuss certain violations to keep peace between the two domains at least, to not increase the intensity of the war that is," panimula ni Sir Gilbert. Pinasadahan niya ng tingin ang lahat bago nagsalita muli.
"Then let us start." Napalunok ako, hindi mapakali dahil alam ko na ang mga paguusapan namin ay makakaapekto sa akin sa hinaharap. Hindi ko nga lang alam sa anong paraan.
"Let's start with the basics, a Heixian and a Crystalline Blood shouldn't have any interactions at all. It's a major crime that is quite easy to understand. Both parties or domains are in war, we may be in peace for the past decades but do know that there is unsaid hate towards each other." Sir Gilbert tapped the board with his hand and it immediately showed the map of the whole Crystalline Realm.
And when I mean whole, it included the Crystal Domain, Heix Domain, and the Void Domain. The Void Domain is the said land of the unknown. The Crystal Domain and the Heix Domain might refer to each other as the land of the other side, well the Void Domain is the land of the unknown to both parties.
"In case someone is caught or so, it will be immediately brought to the high court. Where the council, the 5 tribe heads, and the heads of each department will judge you. You can also retaliate, but do know that you can be banished," seryosong sabi ni Sir Gilbert. Hindi ko maiwasang kabahan, banished huh?
"Of course if it is a crime to interact, then it is also a violation to cross the boarder. It's there for a reason kids and that is to maintain the authority of each ruler," sabi ni Sir Gilbert, lakas loob ko naman tinaas ang kamay ko.
"Yes Miss Nhinyae," sabi ni sir kaya naman tumayo ako at humugot ng hininga. Ramdam ko ang tingin ng buong klase sa akin.
"What if the leader of the Crystal Domain crossed over or even any Crystalline Blood crossed the border to make peace?" Rinig ko ang singhap ng mga tao. Nakita ko naman kung paano mabigla si Sir Gilbert sa tanong ko.
"In all the years I've been teaching not once did a student talked about making peace with the other side. You are a first Miss Nhinyae," sabi ni Sir.
"But what you are saying is close to impossible, it's been years and everyone has been contented with the set up, with the system. Breaking it down will cause sacrifices, adjustments." Pero mas mahirap, mas masakit kapag pinagpatuloy ito?
Why can't we just lower our prides and talk?
"But if it does happen Miss Nhinyae, if a miracle did happen. Then I guess making amends by breaking a rule won't hurt. But I won't also get my hopes up kids, the hate and anger was far rooted to the blood of our ancestors for generations now," pagtatapos ni Sir sa topic na yun kaya naman naupo na ako.
There is always a chance to change. Kung hahayaan lang nila...
Nagsimula na din magtanong ang iba, naramdaman ko naman na may tumitingin sa akin kaya nilingon ko yun at nakita sila Kathy. Tinatanong kung okay lang daw ba ako, nginitian ko naman sila at nag-okay sign.
BINABASA MO ANG
Not The Chosen One
FantasyI'm not the Long Lost Princess, she was found a month ago. I'm not a High tier, I'm just a Middle Tier. I'm no 2nd rate Goddess either I'm just well....normal a NORMAL immortal well that's what I thought but one thing's for sure... I'm NOT the chose...