Chapter 28

349 20 1
                                    

Valarie

"Para kang ewan Ky." Hindi ko maiwasang mapalabi habang nakikipagusap kay Ky gamit ang communication earrings na binigay niya. Nandito kasi ako sa hallways, may idadaan lang ng tawagan niya ako.

"Anyways are you done?" Tanong niya sakto naman na paliko na akong may makabanggaan ako.

"Hey! Are you okay?!" Tanong ni Ky, narinig niya siguro ang pag-bagsak ko.

"Yeah I'm fine. Kita na lang tayo sa waiting room? Sige bye," sabi ko at pinress na ang gem. Napatingin naman ako sa nakabanggaan ko at nakatayo pa din siya sa harap ko.

Awkward akong tumayo at pinulot ang mga gamit ko. Nakatulala lang siya, okay lang ba siya?

"Hi, uh sorry ahehe," awkward na sabi ko. Naka Aqua Academy uniform siya. Hindi niya ako pinansin kaya naman nginitian ko siya at lalampasan na sana ng hawakan niya ako sa wrist kaya napalingon ako sa kaniya.

"Yes?" Nagtatakang sabi ko. Gumuhit naman ang gulat sa mukha niya, hala may ginawa ba ako?

"Valarie?" Patanong na sabi niya nangunot namna ang noo ko. Kilala ko ba siya?

Bigla naman sumama ang pakiramdam ko. Napahawak ako sa noo ko ng kumirot yun.

"Ako ito, si Dale," pakilala niya nangunot ang noo ko. Wala talaga ako maalala...

"You, me, and Ricky play together—no?" Umiling naman ako kaya napabuntong-hininga siya at napasuklay sa buhok.

Hindi ko talaga siya maalala. Sa totoo lang ang dami kong hindi naaalala noong bata pa ako pero hindi naman sa extent na nagtataka ako o naguguluhan.

Dati nga ay akala ko bosses lang talaga si Vixon pero ayun at nakausap ko siya noong sembreak. Ganoon din kaya si Dale?

Pero wala hindi ko talaga siya maalala e! Hindi naman siya mukhang scammer, ang bait niya naman tignan at mukhang kilala niya talaga ako.

"Hayst, anyways I'm Dale," pakilala niya at nilahad ang kamay niya kaya naman tinanggap ko yun.

"Hello," sabi ko naman. Kilala na rin naman niya ako e.

"So you don't really remember. D*mn, nagc-compete pa kami dati ni Ricky kung sino mapapangasawa mo ahaha," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

May ganoon?! Hala!

"Anyways let me help you," sabi niya at kinuha ang mga dala kong libro at mga papel.

"Hala, okay lang ba? Hidni mo ba kailangan maghanda?" Tanong ko umiling naman siya.

"I'm good, tara?" Sabi niya at tumango namna ako at nanguna na, nakasunod naman siya sa tabi ko.

Nagkwentuhan lang kami at magaan ang loob ko pag kasama siya. Ang bait niya naman kahit na ang first impression ko sa kaniya ay masungit.

"Sir ito na po," sabi ko at nilapag naman ni Dale ang mga papel at libro.

"Pasensya na at naabala pa kita ah," aabi ni Sir Mao, isa siya sa mga teachers ng low-tiers.

"Hala okay lang po wala din naman po ako masyadong ginagawa ahehe," sabi ko. Wala pa naman sila Kathy e, maaga lang talaga akong pumasok.

Umalis na din kami doon ni Dale.

"Gusto mo dumaan muna sa canteen? Bibilhan na lang kita ng juice or ano, bilang thank you," sabi ko at natawa naman siya ng mahina.

"You haven't changed Valarie," sabi niya at hindi ko maiwasan magtaka.

"Dale, what was I like noong bata pa ako?" Tanong ko. Kasi hindi ko talaga siya maalala pero parang ang dami niyang alam tungkol sa akin.

"Well for starters mabait ka na matalungin na pakialemera. Naalala ko noon nakakita tayo ng nagaaway na magasawa at lumapit ka pa talaga sa kaniya para pangaralan sila," natatawang kwento niya.

May ganoon? Hindi ko talaga maalala, or parang naaalala ko na hindi? Na para bang ngyari yun pero di ko sure totoo o panaginip lang....

"You love going to the forest too, come to think of it may lalaki tayong nakalaro noon e pero mas close kayo. Alala ko nagselos pa talaga kami ni Ricky," natatawang kwento niya at nanlaki naman ang mata ko.

Forest? Lalaki?

"V-Vixon," wala sa sariling sambit ko at nagliwanag naman ang mukha niya na parang may naalala.

"Yup! That's the name, kamusta na kaya yun. I haven't seen him around," sabi niya. Nabigla ko naman siyang tinignan.

"Na meet mo siya?" Nagtatakang tanong ko at tumango naman siya.

"He's one serious dude kung tama ang pagkakaalala ko," natatawa pang sabi niya habang ako ito na hindi makagalaw.

Sakto naman na nag-beep ang earring ko. Hinahanap na ako ni Ky...

"Uh I have to go. Pero usap tayo soon ha." Ang dami ko pang hindi nalalaman at madami pa akong gustong alamin.

"Sure, here. Number ko," nakangiting sabi niya at binigay sa akin ang number niya tumango naman ako.

"Ingat ka Valarie at sana di mo na ako ulit makalimutan AHAHA. Anyways, tell Vixon to take care kung makita mo man siya. And it's better if he's cautious mahirap na," sabi niya at tinalikuran na ako. Napalunok naman ako.

Gaano ba talaga kami ka-close? At gaano niya kakilala si Vixon? Bakit hindi ko maalala? Scammer ba siya?

Ang daming tanong sa isip ko pero nauwi na lang yun sa isang buntong-hininga. Siya na naman iniisip ko.

Tama na Valarie...

---
Short chap lang uwu at siguro sa mga proceeding din pero babawi naman ako ahehe.

Aishi 💙

Not The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon