Chapter 18

8.5K 82 4
                                    

Walang tigil kaming dalawa ni Linus sa pag-sasayaw, nag-iisip ng magandang kanta at nang makahanap ng kanta ay nag-iisip naman kami ng magandang sayaw na pwedeng ikamangha ng mga manunuod.

Tinulungan naman kami ni Zac kaya nagmumukha coach namin siya.

Inaamin kong mas magaling sumayaw si Zac kumpara kay linus, napaka-flexible ng kanyang katawan.

Seryoso kaming nag-eensayo ngunit ginugulo kami o ako ni Adam.

Katulad na lamang kapag may mangyayareng lapitan ng katawan ay agad niya kaming itutulak palayo at biglang sasayaw sa gitna namin.

Biglang tatawagin si Zac.

Biglang papatayin ang music at sasabihing hindi niya daw sinasadya.

Kamuntikan niya na rin basagin ang salamin na nasa harapan namin kung hindi lang siya napigilan ni Sven, may binulong si Sven na nagpatigil sakanya at hindi natuloy ang balak niyang gawin.

"Era! hey! talk to me!"magpapansin ni Adam ngunit hindi ko siya pinapansin at nagpatuloy sa pagsasayaw kasama si linus.

"That's good! sunod na gagawin mo Era-"naputol ang sasabihin ni Zac ng bigla akong hinarap ni Adam sakanya at nagsalita.

"Come on! what you doing now is fucking useless!"iritado nang sambit ni Adam kaya natulak ko siya palayo sakin.

"Pwede ba Adam? hindi mo ba nakikita ang ginagawa namin? we're fucking damn busy!"inis kong sigaw na nagpatigil sakanya."Now, if you don't mind, get lost."inis kong pagtataboy sakanya at bumaling sa harapan, nakita ko sa salamin ang nakatangang pagmumuka ni Zac at Linus.

"So this is more important than me huh?"nakangisi niyang tanong, ngunit ang mga mata nito ay blanko at matatalim.

Nakikita ko parin si Adam sa salamin, halata sakanyang mukha ang 'di pag gusto saking sinabi.

Hindi ako sumagot, nakatingin lamang ako sakanya sa salamin habang siya'y nakatingin parin sakin.

"ANSWER ME DAMN IT!"inis niyang sigaw at dahil sa gulat ay napatalon ako at napalingon sakanya."kung nag-aalala ka para sa grado mo, wag kang mag-aalala dahil kaya kitang ipasa. This Dancing? perform in front of anybody? performing with Linus with that bullshit kind of dancing that I don't like!"muli niyang sigaw kaya muli akong napatalon at napalapit kay Linus at napahawak sakanyang braso.

Sinundan naman ng tingin ni Adam ang kamay kong nasa braso ni linus at mas lalong kumunot noo, tumalim ang mga mata at napakamao ang kanyang kamay na para bang may gustong suntukin."I don't like it because I'm fucking jealous. I can't control my jealousy towards you because it's hard to control"seryoso at madiin niyang sambit habang nakatingin na saking mga mata.

"I just don't want to share you with others, I don't want to see you perform...with him."sambit niya at masamang tiningnan si Linus"and remember Linus, I can do whatever I want to stop this. I don't care if you're my friend, you touch my girl."patuloy niyang sambit at muling tumingin sakin at napailing.

Halata sakanyang mga mata ang disyamado.

Dismayado ba siya sakin? anong ginawa ko?

"Adam! sandali!"hinabol ko siya ngunit malalaki at mabibilis ang kanyang yapak kaya hanggang sa pintuan lamang ako at nakatingin lamang sakanya palayo.

Napabuntong-hininga ako.

"I don't like you"biglang sabi ng tao saking likuran kaya agad akong lumingon at nanlaki ang mga mata nang makitang si Sven ang aking nakita.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon