Prologue

67.5K 234 8
                                    

Warning: bawal sa bata, bawal sa inosente, lalong bawal sa painosente. Please, be open minded.

***
Habang papalapit ako sa trabahong pinapasukan ko, hinanda ko na ang dala dala kong mask, kulay itim ito at plain lang ang disenyo, natatakpan nito ang aking mukha at mata ngunit hindi ang aking bibig.

Dumaan ako sa likod nitong bar at sinuot ang mask, hindi madaling tanggalin ang mask na ito dahil tinatali ito sa likod at sinisigurado kong hindi nila makikila at makikita ang mukha ko.

"Era, ang aking magandang anak! sakto ang dating mo, may bigtime akong nahanap, ipakikilala ko sayo"masaya at malapad na ngiti na sambit ni Mama bek, hindi ko siya nanay ngunit siya ang dahilan kung bakit ako napapad sa ganitong sitwasyon, siya ang tumulong sakin.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako papasok sa loob, alas-dose na nang gabi kaya ang iba ay parang hayop na nagwawala at uhaw na uhaw kakahanap ng taong gustong lapain.

Tumingala ako dahil huminto sa paglakad si mama bek.

"Ito nga pala ang sinasabi ko sayo, siya si Era, tingnan mo nga naman ang batang 'to, napakaganda at napakasexy na"sambit ni mama bek sa lalaki, ang lalaking tinitingnan ang kabuuan ko, habang ako'y nakatingin sakanya habang nakakunot-noo, inaalala ang pamilyar niyang mukha.

Sino nga ba siya?

Ang suot ko lamang ay maiksing palda at T-back na panty, habang sa taas naman ay hapit na crop top sleeveless at hindi na nag-abala pang magsuot ng bra.

Makapal at itim naman ito kaya hindi masyadong nakikita ang suso ko.

"I'm not interested"sagot nito at muli tiningnan ang kabuuan ko bago umalis dala ang basong may lamang alak.

Nanlaki ang mata ko, ganun din si mama bek at para bang napahiya ako sa harap ni mama bek!

Wala pang nakakatanggi sakin. Hayop na lalaking 'to.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umupo siya sa mga kasamahan niya.

Napairap nalang ako sa ginawa niyang pagpapahiya sakin bago ako lumingon kay mama bek na ngayon ay tulala parin at hindi makapaniwala.

Ang sarap, manadyak!

"Oks lang mama bek, marami pa namang lalaki rito, ako nang bahalang maghanap"sambit ko at ngumiti ng peke.

"Oh siya sige! hatian mo nalang ako sa bayad ha?"bigla akong napasimangot at kumuha sa waiter na may dala dalang alak sa tray nito at agaran itong ininom bago muling tumingin kay Mama bek at sumagot.

"Mama bek, alam mo naman na-"

"Wala akong paki-alam! aba'y ilang ulit ko na ba sasabihin 'to sayo?! magpasalamat ka dahil may pera ka, at dahil sakin yun! Sa tingin mo kung hindi kita tutulungan magkakapera ka?"bigla niyang tinulak ang ulo ko gamit ang hintuturo nito"mag-isip ka nga! batang 'to, nakaka-imbyerna, kaya ka iniyawan nung lalaki eh."sambit nito at tiningnan rin ang kabuuan ko bago lumisan sa harapan ko.

Napabuntong-hininga nalang ako at muling ininom ang alak nang may lumapit sakin.

"Hi miss, alone?"nakangisi nitong tanong, ang sarap tuloy tanggalin isa isa ang mga ngipin nito.

Ngumiti ako sakanya ng malagkit at hinaplos ang balikat nito at kinagat ang sariling labi.

"Hm yes, but i want to be alone.."tumingkayad ako dahil matangkad ang lalaking ito, saka lumapit sa tenga niya at bumulong rito"with you"sambit ko at muling tumingin sakanyang mukha habang nasa mukha ko parin ang ngiting kinakaadikan at kinakabaliwan ng lahat.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon