Chapter 15

10.4K 72 2
                                    

ERA POV

Nanghihina, naiiyak, nakatakip ang aking bibig habang nakatingin sa nakakaawang itsura ng aking kapatid.

Hindi ko na siya makilala sa sobrang lupet nang nangyare sakanya.

Kumikirot ang aking puso.

Natatakot ako.

Lord, pati din ba ang aking kapatid kukunin mo rin?

Ang dami niyang pasa sa katawan, ang daming sugat.

Napahagulgol ako habang tinitingnan ko ang kabuuan ng aking kapatid.

Dahan dahan akong lumapit sakanyang kama, at mas lalong napaiyak nang makita nang malapitan ang kanyang mukha.

Namamaga, ang labi nitong nangingitim, ang mukha niyang puno ng sugat.

"Aziel..."nanghihina kong tawag sakanya at muling napaiyak, hinawakan ko ang kanyang kamay"Sinong may gawa sayo nito?"tanong ko kahit alam ko namang walang sasagot saking tanong.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente?"napalingon ako ng may magsalita, nakita ko ang taong nakasuot ng puting lab gown, may nakasabit sakanyang leeg na stethoscope at may kasama pang isang tao na sa tingin ko ay isang nurse.

"A-ate n-niya po a-ako"nahihirapan at humihikbi kong sagot.

Tumango tango naman siya at lumapit sakin"As for now, he's comatose. He has brain injury and he needs to recover, masyadong malala ang nangyare sakanya but it's miracle that he still alive"nakangiting sambit ng babaeng doctor at nilampasan ako at tiningnan ang aking kapatid, habang ang nurse naman ay may kung anong chine-check saking kapatid."I wonder what happen to him?"kunot-noo niya ring tanong pagkatapos ay nilingon ako."I will do my best to save your brother"nakangiti niyang sagot at muling nilingon ang aking kapatid.

"S-salamat, maraming salamat"humihikbi kong pagpapasalamat at hinawakan ang kanyang kamay, muli siyang ngumiti at tuluyang umalis kasama ang nurse.

Muli akong lumapit saking kapatid at umupo sa upuan, hinawakan ang kamay niya gamit ang aking dalawang  kamay at hinalik-halikan ito habang nakatingin sakanya.

Aziel, wag mo muna akong iwan ha?hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng kasalanan ko, at pangako, pag-gising mo sasabihin ko na sayo ang totoo. Wag ka lang mawala sakin Aziel, ikaw nalang ang meron ako.

May humawak saking balikat"Era"tawag nang lalaki sa baritonong boses at malalim.

Lumingon ako sakanya habang naluluha parin, pagtingin ko sakanya, nakita ko ang mukha niyang nag-aalala.

Mas lalo lamang akong napaiyak kaya niyakap niya ako mula sa likuran at pinatong ang ulo niya saking balikat habang mahigpit na yakap ang aking bewang."Shh, I'm here love, I'll stay, I won't leave you."rinig kong sambit niya kaya sinandal ko ang aking ulo sakanyang ulo habang patuloy ang luha kong umaagos"Don't worry, I will find who did this to your brother"seryoso niyang sambit, napangiti ako.

"Maraming salamat Adam, salamat"naluluha kong sambit habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ng aking kapatid.

"Anything for you, My Love."

***
Tinulungan ako ni Adam na dalhin ang ibang gamit ko sa hospital, wala naman kasing ibang magbabantay kay Aziel kundi ako lang.

Pero sa pag-aakalang ako lang, meron pa pala.

Nagpadala ng mga bantay si Adam, meron sa labas at meron din sa loob.

Sinabi kong hindi na kailangan pero sabi niya, para makasigurado daw sa kaligtasan ng aking kapatid at para din daw hindi na ako mabahala at mag-alala kapag nasa paaralan na ako.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon