Chapter 9

15K 109 10
                                    

Totoo ngang hinatid ako ni Adam, bago niya ako hinatid pauwi ay kumain muna kami sa pinakasikat na resto dito sa pinas.

Sinabihan ko siyang okay na ako sa tabi tabi lang o kaya sa mga mumurahing pagkain.

Ngunit ayaw niya, nagtalo pa kami pero sa huli, siya ang nanalo dahil siya naman ang magbabayad.

Kakain lang ako, nililibre lang. Makikipagtalo pa ba at ipilit ang gusto?

Dala ko rin ang binigay niyang malaking halagang pera, labag man saking kalooban pero pera ang susi para sa lahat, pera ang pinakakailangan ko, namin.

Napahawak ako saking dibdib dahil nakakainis na ito, kanina pa siya nagtatalon na parang ewan sa tuwing nakakasama o nakikita ko lang si Adam.

Nasa sala ako ngayon, nakatingin sa tv ngunit ang isipan ay na kay Adam.

Nakakainis man dahil puro nalang ako Adam, Adam, Adam!

Nagulat at agad akong napatayo nang marinig ko ang malakas na kalabog ng aming pintuan na ngayon ay nakabukas na at inuluwa ang aking nakayukong kapatid.

Napatitig lamang ako sakanya at natigilan saking pwesto.

Dahan-dahang naglakad ang aking kapatid hanggang sa lampasan niya ako.

Napakunot-noo ako.

Tumingin ako saming orasan at nakita kong alas-dose na, nang maalala kong wala siyang pasok dahil nga suspended itong batang 'to.

"Azeil!"tawag ko sakanya at hinawakan ang kanyang braso upang pigilan siya saka pumunta sakanyang harapan at namewang.

"Bakit ngayon ka lang hah? wag mo sabihing may konektado ang ginagawa mo sa paaralan dahil wala kang pasok ngayon! akala mo bang nakalimutan kong suspended ka ng tatlong araw?!"sermon ko sakanya, dahan dahan niyang inangat ang kanyang ulo, at nang makita ko na ang kanyang mukha ay nagulat ako at napaatras.

Doon ko pa napansin ang magulo nitong buhok na dati rati naman ay gusto niyang maayos ang kanyang buhok.

Ang kanyang kasuotan na gusot gusot at puno ng dumi! may ibang parte pa na sira sira at punit punit.

Ang katawan niyang puno ng dumi at putik at may iilan pa siyang pasa at sugat.

"Jusko, anong nangyare sayo?!"natataranta kong saad at hindi malaman kung saang parte ang hahawakan ko sakanya.

Muli akong tumingin sakanyang mukha, sa gilid ng kanyang labi ay nangingitim at may sugat ito, sakanyang noo na may pasa at may malaki siyang sugat sakanyang ulo at dumudugo pa ito.

Hinawakan ko ang kanyang pisnge"Aziel!! a-anong..."natataranta na naiinis ako, hindi malaman ang gagawin."anong nangyare sayo Aziel? Azeil wag mo'kong iwan."naiiyak kong saad sakanya.

Sinamaan ako nito ng tingin at tinabig ang aking kamay na nakahawak sakanyang mukha"may pasok ka ngayon diba?"mahina niyang tanong sakin, umiling naman ako bilang sagot.

"Umalis kana sa trabaho mo?"tanong niyang muli, hindi ako makasagot dahil hindi pa naman ako umalis, hindi nga ako makatrabaho dahil nga kinuha ni Adam ang mask ko.

Bakit ba lahat sila gusto akong paalisin sa trabaho? hindi ba nila alam ang trabahong ginagawa ko ay napakalaking tulong para sakin?

Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

"T-teka, Aziel!"seryoso kong saad at sinasamaan siya ng tingin kahit alam kong hindi niya makikita.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon