Chapter 46

5K 61 11
                                    

Maraming salamat po dahil patuloy po kayong sumusuporta at umaabang sa kwento ni Era,maraming salamat din sa mga taong nagsasabing maganda ang kwento.

Lubos po akong natutuwa saking mga nababasang komentong magaganda tungkol sa kwentong ito.

Nagpapa-salamat rin ho ako sa mga taong simula't sapol ng kabanata hanggang dulo nitong kwento ay patuloy nilang binoboto,babanggitin ko ang pangalan nila para ipakitang lubos akong nagpapasalamat sakanila.

Ang mga pangalan ay sina:
parkmaurine012
lorenaasari
JulietOdiamar6
carmelita78
JazzPlaying
colorblackismyfav(familiar ka black haha,parang nakita na kita sa kung saang lupalop ng wattpad.)
ejcabral_18
shera0894
baby-kenken-ko
EllaRoseBalbalosa7
ClaireGallano

Maraming salamat po ulit.
Don't forget to vote,comment and follow me.

***
ERA'S POV
Naglalakad kami patungo sa lamesa sa kung saan nakaupo ang pamilya ni Adam,habang naglalakad ay may mga taong binabati ako at sinasabihan din ako ng congrats kaya hindi ko maiwasang mapakunot-noo at mapatingin kay Adam,ngunit si Adam ay dedma lang na para bang walang narinig.

Nang makalapit,nakita ko ang ama ni Adam,umiinom ng wine.

Nang makita niya ako ay agad akong ngumiti sakanya,sinuklian niya naman din ako ng ngiti.

Napatingin naman ako sa katabi niya at may kausap ito.

"Mom"tawag ni Adam sakanya,lumingon naman agad ang ina samin at napangiti din ng makita ako.

Agad siyang tumayo at lumapit sakin"Iha!I miss you so much!how are you?"masaya ngunit may halong pag-aalala niyang tanong,nang makalapit ay nakipag-besohan siya sakin.

Nahihiya akong ngumiti.
Ang suot ko lamang ay maong short,simpleng vneck tshirt at tsinelas pambaba samantalang siya at ang mga tao rito ay disente at maayos ang mga itsura at magagarang damit ang suot.

"Okay lang naman po"nahihiya kong sagot sakanya

"What do you wanna eat?"bulong ni Adam saking tenga kaya napalingon ako sakanya

"Kahit ano"mahina kong sagot sakanya

"Iha Era,halika umupo ka"pag-aaya nang ina ni Adam kaya muli akong tumingin sakanya at pilit ngumingiti kahit nakakaramdam ako ng hiya dahil saking kasuotan

Umupo ako habang siya naman ay tumabi sakin.

"Salamat po"magalang kong saad sakanya at ngumiti,ginantian niya din naman ako ng matamis niyang ngiti.

Nakakainis naman kasi,bakit kasi hindi man lang sinabi na may paganito edi sana nakapaghanda man lang ako kahit papaano.

Reklamo ko saking isipan.

"Are you sure?"paniniguradong tanong ni Adam kaya napalingon ako sakanya at napakunot-noo,akala ko kasi umalis na siya.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon