Chapter 45

5.3K 44 4
                                    

PAISLEY'S POV

"Linus...Adam...Linus..."

"the one you really love is not me,but him.stop fooling yourself."

Paulit-ulit itong pumapasok at gumugulo saking isipan.

What is he talking about?

I love him!

Siya at siya lang ang mahal ko.

Napasabunot ako saking buhok,talagang naguguluhan ako sa sinabi ni Adam.

Alam kong sa sarili kong mahal ko siya.alam kong siya ang tinatakbo at binabanggit ng aking isipan.

Mahal ko siya..

Sa kalagitnaan nang aking pag-iisip,pumasok saking isipan ang huling sandali namin ni Linus.

Sa kung saan,pareho kaming nahuhulog.

FLASHBACK

"aahhhhhh!!!"mabilis ang tibok ng aking puso,nabigla at natatakot ako.

Napakabilis nang pangyayare,ito ako nahuhulog at nakatingin sa kung saan ako nanggaling kanina.

Ngunit nanlaki ang aking mata nang makita kong tumalon si Linus,at ang tingin ay nasa akin.

Pilit niya akong inaabot,dahil sa takot na nararamdaman ko'y tinaas ko ang aking kamay.

Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan.

Nahawakan niya ang dulo ng aking daliri,sunod ang aking palad,pulsohan hanggang sa nayakap niya na ako.

Ngunit tumingin siya sakin,tinitigan ako nang ilang segundo at sa isang iglap lamang ay magkadikit na ang aming mga labi.

Mas lalo akong nabigla.
Mas lalong nagwala ang aking puso.

Panandalian nawala saking isipan na nahuhulog kami.

Lalo na nang sabihin niya ang salitang i love you bago muli akong yakapin nang mahigpit na mahigpit,at prinoprotektahan pa niya ang aking ulo.

Sa panandaliang iyon,i feel safe.

Rinig ko rin ang tibok ng kanyang puso,yakap yakap niya ako sakanyang bisig habang akong nakasandal sakanyang dibdib na para bang gustong-gusto niya akong protektahan sa kabila nang mga pinanggagawa ko sa buhay.

Muli ko narinig sakanya ang salitang mahal kita paisley,mahal na mahal kita bago kami bumagsak sa tubig ay tumama muna ang aking likuran sa bato na napakatulis na pakiramdam ko'y isa itong kutsilyo.

Ang sakit.ramdam ko ang sakit.sobrang sakit.

Pakiramdam ko'y tumusok sakin ang bato,nang hawakan ko'y nakita ko ang dugo na nanggaling sakin,ngunit bumalik ang atensyon ko kay Linus nang makita kong unti-unti nang lumuluwag ang pagyakap niya sakin.

Nauna siyang bumagsak sa tubig kaya ako naman ngayon ang nasa ibabaw niya

Nang tingnan ko ang mukha ni Linus nagulat ako,kahit sanay na akong nakakakita ng dugo,nakaramdam ako ngayon ng takot.

Dumudugo ang kanyang ulohan,sobrang pagdudugo.

Kumikirot ang dibdib ko,natatakot ako,niyakap ko siya at pilit akong lumalangoy pataas pero dahil sa sakit na nararamdaman ko sa likod,at sa bigat na rin ni Linus,unti-unti kaming nahihila pa ba.

Hanggang sa nagdilim na lamang ang aking paningin.

END OF FLASHBACK

Mas lalo kong diniinan ang paghawak ko saking buhok,para bang sinasabunutan ko ang aking sarili.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon