Chapter 48

5K 38 3
                                    

Nanatiling number 1 ang ating Era,maraming salamat po

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanatiling number 1 ang ating Era,maraming salamat po.

Don't forget to vote,comment,and follow me.

***
"Era gising!Eraaa!!!"nagising ako dahil sa ingay ni Livia

"Ano ba 'yun??"namamaos at inaantok ko pang tanong.gusto ko pang matulog dahil sobrang napagod ang aking katawan.

"May pupuntahan tayo!magbihis ka!"sigaw sakin ni Livia at hinihila ako patayo

"Pagod ako Livia,huwag muna ngayon"inaantok kong sagot at pilit binabalik ang sarili sa kama

"Ano?napagod?alam mo bang ala-una na?anong oras mo balak gumising?ala-una ng madaling araw?"madaming satsat ni Livia kaya kinuha ko ang unan para takpan ang aking mukha

Sobra akong napagod kagabi,madaling araw na kami natapos dahil hindi ako tinigilan ni Adam.halos limang beses niya din akong pinutukan.

"Eraaa!!halika na!"pagpupumilit ni Livia sakin at inalis ang unan saka pilit na naman akong tinatayo

"Pagod nga ako Livia!"medyo naiinis kong sagot sakanya

"Ba't ka naman napagod aber? natulog ka lang naman buong araw tapos pagod ka parin? maliban nalang kung may ginawa kayo kagabi"mahabang saad ni Livia kaya inaantok akong napatingin sakanya,nakita ko siya sa kama nakaluhod at nakangisi sakin.

Ipinikit ko na lamang ulit ang aking paningin dahil sa mga tingin ni Livia na siguradong may ibig sabihin.

"Ah!!"napasigaw ako nang daganan ako ni Livia

"Naka-ilang rounds kayo?"bulong niya saking tenga kaya mahina kong hinila ang kanyang buhok

"Umalis kana nga!"naiinis kong saad at pilit siyang inaalis saking ibabaw

"Aalis ako kasama ka!bumangon kana kasi pupunta tayong kasal!!"

"Ha?"ang tanging nasagot ko lamang kay Livia

Kasal?

"Sinong ikakasal?"

"Malalaman mo kung pupunta ka"

Napakunot-noo ako habang inaantok nakatingin sakanya

Iniisip ko kung sinong ikakasal.kakilala ko ba?kakilala ba ni Livia?isang babae lamang ang kaibigan ko at yun ay si Livia,alam kong walang nanghihimasok sa buhay ni Livia dahil hindi niya rin naman pinapahintulutan.ayaw pa niya at gusto niya munang ituon ang kanyang sarili at atensyon sakanyang anak.

Si Sven ba?pero sa sobrang sungit nun,sa tingin ko'y walang nagtatangkang lumapit sakanya.

Si Zac ba?baka si Zac nga dahil wala na rin naman akong balita tungkol sakanya dahil nga nangibang bansa si Zac.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon