Chapter 32

6.1K 63 20
                                    

ERA POV
Iyak ako ng iyak dahil saking nabasa,paulit-ulit ko itong binasa.kung ang rason ni Azeil kaya siya nawala ay para sumaya ako,hindi niya kailangang mawala,dahil makita kong ayos siya ay sobrang saya ko na.

Hindi niya ba alam na siya ang lakas ko sa tuwing napapagod na ako?siya ang inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay.

Bakit kailangan niyang kilitin ang kanyang buhay para lamang sumaya ako?

Sa tingin niya ba kapag mawawala siya ay magiging masaya ako?

Sinong matinong ate magiging masaya pagkatapos mawala ang nag-iisa niyang kapatid?

Saka kung naisip niya na pabigat siya sakin,bakit niya naisip 'yun?ako nga hindi ko naisip 'yun eh.

Makita ko lamang kumakain siya at maayos ang lagay niya gumagaan na ang pakiramdam ko,para siyang isang charger na sa tuwing nanghihina or nawawalan na ako ng battery ay sakanya lang ako lumalapit para maging malakas ulit.

Hindi niya ba naisip na maaari akong mainis sakanya?

Napatingala ako at pinunasan ang aking luha.

Sa tanang desisyong nagawa ni Azeil sakanyang buhay ay ngayong palang ako nainis sakanya ng todo.

Napabuntong-hininga ako at lumabas ng bahay,pumunta ako sakanyang puntod at hinaplos ang glass na nakaharang sakanya upang hindi siya mahawakan.

"Ang daya mo naman,Azeil.iniwan mo naman akong mag-isa rito,akala ko ba walang iwanan hanggang kamatayan?"usap ko sakanya saking isip habang hinahaplos ang kanyang puntod na para bang hinahaplos ko siya.

"Ang dali mo namang iwanan ako.kung mahal mo talaga ako,bakit mo ako iniwan?kung hindi ako nagkulang,bakit ka umalis?kung gusto mo akong sumaya,bakit ka nawala?"muling dumaosdos na naman ang aking mga luha habang kumikirot ang aking dibdib,ang dami kong tanong.bakit niya nagawa ito?saan ako nagkamali?may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan ngunit hindi niya lamang sinabi sakin?

Mas lalo akong napaluha ng mapagtanto kong,hindi ako naging mabuting ate dahil hindi ko man lang siya nailigtas.

Masyado ba akong nagmukhang kaawa-awa kaya niya ako iniwan?

Muli ko na namang pinunasan ang luha kong walang tigil sa pag-agos.

"Ma,pa,sorry..."paghingi ko ng tawad saking mga magulang habang nakayuko at humihikbi"ginawa ko ang lahat pero hindi parin pala sapat para...para manatili siya.sorry kasi,hindi ko man lang nagawang maayos ang trabaho ko bilang ate.sorry kasi,nadismaya ko kayo sa pagprotekta saking kapatid."napahawak ako saking bibig at napatakip rito upang pigilan ang pag-iyak ko nang malakas"ma,pa..sorry."humagolgol ako,kulang nalang umupo ako rito at yakapin ang aking sarili saka umiyak nang umiyak.

Nang biglang may humaplos saking likuran,nang tingnan ko ito ay nakita ko si Livia,nakangiti.

Wala siyang sinabi at pinapatahan lamang ako.

Humarap ako sakanya at niyakap siya at doon umiyak sakanyang mga bisig.

***
AZEIL POV

"Ang usapan ay hindi ka magpapakita sakanya,but fuck!what did you do?"inis na inis na tanong ng matandang ito at kanina pa siya dada ng dada rito sa harapan ko habang naka-upo naman ako.

Nandito ako sa kotse niya nakaupo habang nasa harapan ko siya,nasa harapan kami ng bahay namin na akala moy may piyesta sa daming taong dumalo,ni iba nga jan napadaan lang ata eh.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon