Chapter 43

5.2K 81 18
                                    

Don't forget to vote,comment and follow me.

***
Pagkatapos nang sagutan namin ay naging medyo maayos na ako,ang dami kong napagtanto dahil lamang sa sinabi ni Livia.

Umalis ngayon si Livia dahil may pupuntahan daw,hindi ko na tinanong kung saan.

Kaya ako na lamang mag-isa rito.nakahiga lamang ako rito at nakatingin sa labas ng bintana,nagmumuni-muni nang biglang may pumasok kaya doon lumipat ang atensyon ko.

Napabangon agad ako ng makita kong pumasok ang nanay ni Adam,nagulat rin ako at hindi ko inaasahan ang pagdating niya.

Tumingin ako sakanyang likod,tinitingnan kung may kasabay pa siya,pero mag-isa lang siya.

Ngumiti siya habang papalapit sakin"how are you?okay kana ba?"mga tanong niya sakin at may dala dala siyang supot,pinatong niya ito sa lamesa.

Sasagot na sana ako nang magsalita siyang muli"kumain kana ba?"tanong niya at nilingon ako.

"O-opo"nahihiya kong sagot,nahihiya ako dahil pumasok sa isip ko ang ginawa kong pagduda sakanilang pinapakitang kabutihan sakin,nagpauto ako sa mga sinabi ni Paisley.

Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi lamang ng kama ko pagkatapos tumingin sakin kaya yumuko ako.

"Aw"saad niya at bigla akong niyakap,dahil sa yakap niya ay napapikit ako dahil isang yakap nang ina ang nararamdaman ko ngayon,para bang niyayakap talaga ako ng tunay kong ina.

Gumanti ako ng yakap sakanya habang siya ay hinahaplos ang likuran ko at walang siyang sinasabi,pero sobrang laki nang tulong ang binigay niya sakin,gumaan ang pakiramdam ko,para bang pinaparamdam niya na hindi ako nag-iisa,nandito siya sa tabi ko.

Sa hindi malamang dahilan ay tumulo ang luha ko,hanggang sa humihikbi na ako.

Humiwalay siya sakin at tumingin sakin nang nakakunot-noo"what's wrong?"nag-aalala niyang tanong at pinunasan ang luha ko.

Parehong-pareho sila ni Adam,palaging pinupunasan ang luha ko sa tuwing ito'y tutulo.

Umiling ako bilang sagot.naiiyak ako kasi naaalala ko ang yakap niya sa tunay kong ina,sa tuwing umiiyak din ako'y niyayayakap niya lang din ako.

Wala siyang sinasabi pero nasa tabi ko siya,hanggang sa pagtulog at pag-gising katabi ko parin ang nanay ko,aalis lang siya sa tabi ko kapag alam niyang okay na ako.

"It's okay honey,it's okay to tell your problems,i'll listen"saad niya at hinahaplos ang pisnge ko,may munting ngiti naman sakanyang labi.

Napayuko ako at muling napaiyak.

she's a very good mother,while i was not.

"Ma.."pagkasabi ko nang Ma,kumirot agad ang puso ko,dahil una,wala na rito ang mama ko,pangalawa,bigo ako sa pagiging mama.sa pagiging ina.pakiramdam ko naging masama akong ina dahil hindi ko man lang inisip at inalagaan ang sarili ko para sakanya kaya siya nawala"n-nakunan ako"nanginginig ang labi ko,hindi dahil sa takot kundi dahil sa pag-iyak na pinipigilan ko.

"Ma,ang sakit"saad ko naman habang siya'y nakikinig lang at nakikita ko sakanyang mga mata ang lungkot"i feel like a failure as a mom"saad ko at humagulgol nang iyak

Muli niya akong niyakap"You're not iha,lord gave you an angel.you're lucky."natigil ang pag-iyak ko dahil sakanyang sinabi.

She's right.

***
Umalis na siya ng mga 12:30 dahil may pupuntahan pa daw siyang meeting,hindi ko alam na lunch na pala nung dumating siya kanina.

Kinain lang namin yung dala niyang sobrang sarap at talagang nakakabusog dahil naparami ako ng kain.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon