ERA POV
Nasa loob kami ng kotse, gabi na nang matapos kaming magpasarap at magpainit, nasa backseat kami at nakabihis na, hindi ko alam kung paano kami nagkasya ni Adam sa backseat, ang alam ko lang, yakap namin ang isa't-isa.
Ang kanyang bubong ng kotse ay binuksan niya kanina kaya nakikita namin ang kagandahan ng kalangitan, ang kalangitang puno-punong ng bituin.
Muli akong napangiti.
Ang ganda talaga ng kalikasan, kaso, kunti lang ang nagbibigay halaga rito.
Hindi kasi lahat ng tao, makikita ang halaga mo, natin.
"Ang ganda"sambit ko habang nakatingin parin sa mga kumikinang na bituin, ang dami nila, sa sobrang dami hindi ko na mabilang-bilang, samantala kung nasa city ako, kakaunti lang ang makikita kong mga bituin, sa sobrang kunti ay kaya kong bilangin.
"Ang ganda noh?"tanong ko kay Adam nang hindi siya nililingon.
"Yeah, You so beautiful"napalingon ako sakanya dahil sakanyang sinambit, nakangiti siya sakin at hinahaplos ang aking buhok na parang bang isa akong bata.
Napangiti ako sakanyang sinabi, mas lalong lumapad ang kanyang mga ngiti, pinakita nito ang kanyang mapuputi at perpektong ngipin.
Nagtitigan kami, nang bigla siyang nagsalita na nagpagulat sa buong sistema ko.
"I love you"
Nanlaki ang aking mga mata at nagwala ang aking puso, pabilis ng pabilis at paulit-ulit kong naririnig ang salitang kanyang sinambit.
"A-ano?"hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mahal kita, Era"
Mahal kita, Era.
Mahal kita.
Mahal.
Ang sarap pakinggan pero parang imposibleng paniwalaan.
***
Pagkatapos umamin sakin ni Adam na mahal niya kuno daw ako ay agad kong sinambit sakanya na bumalik na kami sa paaralan, kaya bumalik kami sa eskwelahan na walang imik.
Ngunit, sirado na ang eskwelahan, pati ang classroom, kaya hinatid na lamang ako ni Adam saming bahay, lahat pa naman ng gamit ko ay nasa classroom.
Pag-uwi ko, wala ang aking kapatid. Hinayaan ko na lamang dahil baka nagtatampo parin siya.
Hindi na ako nag-abalang kumain, naghilamos at naglinis na lamang ng katawan at natulog.
Pagkagising ko, nag-ayos at ginagawa ang dapat gawin, paglabas ko sa pintuan ay bumungad sakin ang motor ni Adam habang nakasandal siya roon, hawak ang helmet, suot ang sunglasses, hindi ko alam kung sando ba ito o t-shirt ang kanyang panloob, basta't kulay puti ito at pinatungan ng black leather jacket, pants, and white shoes, ang kanyang buhok ay nakalugay lamang.
Hindi ko maiwasang mapa-awang ng bibig dahil sakanyang umaapaw na kagwapohan.
"Hey, good morning"bati niya sakin at lumapit, hinalikan ako sa noo habang hawak ang helmet sa kabilang kamay.
Hindi ko magawang bumati pabalik dahil naalala ko muli ang kanyang pag-amin kahapon.
Tumikhim ako at nilampasan siya ngunit mabilis siya at agad niyang naharang ang kanyang katawan sakin.