Chapter 17

9.6K 66 5
                                    

Nagising ako at una kong hinanap ay si Adam na katabi ko lamang sa sofa, ngunit wala siya saking tabi.

Nilibot ko ang buong kwarto, ngunit ang kasama ko lamang ay aking kapatid na hindi parin nagigising.

Napabuntong-hininga ako.

'btw Adam, let's date tomorrow okay?'

Nang pumasok saking isip ang pag-aya ni paisley kay Adam.

Muli akong napabuntong-hininga at naglakad papunta kay Azeil

"Magdedate sila"sambit ko habang nakatingin sa maamong mukha ng aking kapatid. hinila ang upuan at umupo."diba boyfriend ko na siya? dapat bang magalit ako sakanya kasi nakipag-date siya sa iba?"parang tangang tanong ko saking kapatid, kung gising lang ang aking kapatid siguradong mumurahin at sasabihan ako ng masasakit na salita.

Napailing na lamang ako at tumayo upang kumuha ng medyong basang panyo para pampunas sa katawan ni Azeil.

"Bakit nga ba ako pumayag?napakabilis ng pangyayari, ni hindi pa nga umaabot ng isang buwan ang pagkilala namin sa isa't-isa." irita kong sambit sa sarili at padabog na kinuha ang panyo at bumalik saking kapatid.

"Nakalimutan niya na ba ang usapan namin? psh"naiinis kong tanong at nanggigil na pinupunasan ang aking kapatid.

"Nah"natatawang sambit ng lalaking kakapasok lang sa pintuan."Ang aga aga nakasimangot kana, What's the problem love?"tanong niya,nakasuot lamang siya ng short at v-neck t-shirt na maluwang sakanya, nakapusod ang buhok.

Ang simple lang ng suot pero iba na ang epekto sakin.

Bakit habang tumatagal mas lalo siyang gumagwapo?

Tapos sa tuwing tinatawag niya akong love, iba sa pakiramdam, parang may kung ano saking tyan na nagpapakiliti sakin.

Mas gusto ko pang tinatawag niya akong love kaysa sa baby.

"I know I'm handsome, don't Stare at me to much because I might melt"nakangisi niyang sambit na nagpairap sakin.

"Saan ka ba galing?"mataray kong tanong at pinagpatuloy ang pagpupunas saking kapatid.

"I bought you breakfast"sambit niya kaya napatingin ako sa hawak niya at nagulat sa nakita kong logo sa hawak niyang paperbag.

"Pumunta ka sa sikat na restaurant para lang bumili ng breakfast?"hindi ko makapaniwalang tanong.

Gaano ba kayaman ang taong 'to?

"Uh Yeah, so?"kunot-noo niyang tanong na nagpaawang ng aking bibig.

Nakatulala lamang ako ng lumapit siya at hinalikan ako sa labi.

"Stop being overreacting and just eat your breakfast"sambit niya at nilapag ang pagkain sa mesa.

Tama bang mahalin niya ako?

"Come on!"sabay hila niya sakin at pinaupo sa upuan, tumabi din siya sakin.

Anong mapapala niya sakin?

"You said yesterday that we're going to your parents"rinig kong sambit niya kaya napatingin ako sakanya, abala siya sa pag-ayos ng mga pagkain saming harapan."today is Saturday--"

Pinutol ko ang sasabihin niya ng magsalita ako"walang magbabantay sa kapatid ko"sagot ko at kinuha ang binigay sakin ni Adam na kutsara at tinidor

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon