Maglilimang araw na ngunit hindi parin namin mahagilap ang nawawala kong kapatid.
At madalas na rin akong nahihilo, nanghihina at para bang pagod na pagod ako.
Ito ako ngayon, sa eskwelahan, naka-upo at halos hindi na maintindihan ang sinasabi ng guro.
"Nagugutom ako"mahina kong bulong at hinimas ang aking tyan.
Hindi ko alam pero parang naiiyak ako.
Gusto kong kumain! sigaw ko saking isipan at tumingin sa paligid.
Lahat sila may ginagawa sa kani-kanilang upuan, may nakikinig, may nagsusulat, may mga mahinang nagchichikahan, may patagong gumagamit ng selpon at may ibang patagong nagmemake-up porket malapit na ang lunch break.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa labas ng bintana, ang pwesto ko ay nasa tabi ng bintana.
Pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni, tapos na rin ang klase.
Kaya kinuha ko na ang aking bag at nagmamadaling umalis upang makakain na.
Lakad-takbo ang aking ginawa upang agad makarating sa cafeteria ng may umakbay sakin.
"Hey, love"sambit ng lalaki sa baritonong boses.
Hindi ko sana siya papansinin ngunit may naamoy ako na hindi ko nagustuhan kaya agad ko siyang tinulak at tinakpan ang aking ilong habang nandidiring nakatingin sakanya.
"What?"kunot-noo niyang tanong.
"Ang baho mo"nandidiri kong sagot habang nakatakip parin ang ilong.
"What?!"tanong niyang muli at parang naguguluhan, inamoy-amoy pa niya ang kanyang sarili"I'm not"sabay sabi niya pagkatapos niyang amoyin ang kanyang sarili.
Lumapit siya sakin at aabutin sana ang aking braso nang lumayo ulit ako.
"Wag kang lumapit!"sigaw ko sakanya at muli na namang lumayo.
Ang baho niya! napakatapang ng kanyang amoy.
Nandidiri at nasusuka ako sa pabango niya.
"What the fuck is your fucking problem Era?"tanong niya sa naiinis na tono kaya ang iilang estudyanteng napapadaan sakanyang likuran ay biglang lumayo nang marinig ang naiinis at seryoso niyang boses.
"Hindi ko gusto ang pabango mo Adam! ang baho baho mo!"
"Seriously?"naiirita niyang tanong sakin at napahilamos ng mukha."come on love, alam kong gutom ka kaya ikain mo nalang 'yan"sambit niya at aakma na naman na hahawakan at aabutin ako ngunit lumayo na naman ako.
"No Adam! kakain ako mag-isa!"inis kong sambit at tumakbo na palayo sakanya.
ADAM POV
"What's that?"naguguluhan kong tanong at napasuklay na lamang ng sariling buhok nang may tumapik saking braso.
"What happened?"tanong ni Zac, kasama niya si Sven na nakapamulsa lamang while wearing earphones.
Nagkibit-balikat ako"these past few days, she has suddenly become weird and...maarte."naguguluhan kong tanong at iniisip kong may nagawa ba akong mali o pagkukulang.
Nang bigla kaming makarinig ng malakas na sigaw.
"Wait, that voice came from..."sambit ni Zac habang nakatingin sakin, nanlaki ang aking mga mata nang marealize ko kung kaininong boses iyon.