Chapter 19

8.3K 70 7
                                    

"Do you ever love me?"tanong niya na nagpalunok sakin.

Do I ever love you, adam?

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy namin ang pag-alis.

Nang makarating na kami sa kotse ay nakita naman si Zac na sumasayaw habang suot ang kanyang headphones at nakapikit.

Damang-dama niya ang pagsasayaw.

Nang tinapik ko siya kaya'y napadilat siya at agad nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang itsura ni Linus.

Agad niyang binaba ang suot niyang headphones at tiningnan ang kabuuang nangyare kay linus.

"What the hell happened to you?"kunot noo niyang tanong kaya napatingin rin ako sa mukha ni linus.

May black eye, putok ang labi, dumudugo ang pisnge pati ilong.

Halatang binugbog siya.

"I'm sorry"nakayukong paghingi ko ng tawad.

"Wag, kasalanan ko, hindi mo kasalanan"sambit niya at napabuntong-hininga at inalis ang pagkaka-akbay sakin"fuck, akala ko mamatay na ako. Putcha dude ang sakit ng mga suntok niya! akala ko mapupugutan na ako ng ulo."naiiyak niyang sambit habang hawak ang kwelyo ni Zac.

Kunot-noo namang nakatingin sakanya si Zac"who did this?"seryosong tanong ni Zac, nakakatakot palang magseryoso si Zac. Madalas kasing happy and go lucky lang siya same kay Linus, pero si Linus may tama na sa utak, malala na.

Muli siyang napabuntong-hininga at binitawan ang kwelyo ni Zac at tumingin sakin.

"I kiss her, he saw it, then boom! My face look like this na"malungkot niyang sambit at muling lumingon kay Zac na ngayon ay nakalukot na ang mukha.

"Adam?"tanong ni Zac at tumingin sakin, tumango naman ako.

Muling napabuntong-hininga si Linus at tinalikuran kami"hays, kung 'di ko lang siya gusto hindi ko gagawin..."rinig naming sambit niya at bigla na lamang naglakad palayo.

"Saan ka pupunta?!"tanong ko sakanya.

"Pupunta lang ako sa clinic, sandali lang 'to"sambit niya at kumaway samin habang nakatalikod siya.

Napailing na lamang si Zac at sumandal sa kotse.

Ginaya ko rin ang kanyang ginawa at sumandal din ako sa kotse.

"Kailangan mong mag-ingat Era, Adam likes you so much to the point that gusto niya nasa kanya lang ang atensyon mo."bumuntong-hininga si Zac. napalingon ako sakanya nang bigla siyang magsalita."Era, tandaan mo, kahit walang namamagitan sainyo basta mahal ka ng tao, magseselos at magseselos siya."napalingon sakin si Zac"I think, Adam's love you, that's why he acts like that."sambit niya pagkatapos tumingin sa harap at napatango-tango, tumingin rin ako sa harapan, tumingin ako sa langit.

I know. pero, karapat-dapat ba sakin ang pagmamahal niya?

Napabuntong-hininga na lamang ako nang maalala ko ang kaninang tanong ni Adam.

"Paano mo ba masabing mahal mo ang isang tao?"biglang sambit ko, kusang lumabas saking bibig ang mga tanong na matagal ko nang gustong alamin.

Napatawa naman siya sa tanong ko kaya napalingon ako sakanya.

"Hm, masaya ka sa tuwing kasama mo siya, komportable ka sakanya, palagi mo siyang iniisip, gusto mo palagi mo siyang napapasaya at gusto mo palagi mo siyang kasama. hm, what else?"tanong niya habang nakatingin parin sa harap. habang sinasabi niya ang mga 'yun, para bang minsan na ding siyang nagmahal."Ah right! bumibilis ang tibok ng puso mo sa tuwing nakikita mo siya"nakangiti niyang sambit.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon