Chapter 21

7.9K 72 14
                                    

"You disappointed me again"walang emosyong sambit ni Adam habang nakatingin parin sa malaking screen at hindi sakin.

Kumirot ang aking puso sakanyang sinabi.

Muli akong tumingin sa harapan at napakunot-noo, hindi dahil sa pagtataka kundi dahil sa galit.

Nasa malaking screen ang aking mukha, kasama ng iba't-ibang lalaki.

Ang unang larawang aking nakita ay ang paghalik sakin ni Linus, pangalawa ay ang mga lalaking muntik na akong gahasain kung hindi lamang dumating sina Linus at Zac, napapalibutan nila ako at hindi nakikita ang aking mata at noo, tanging labi ko lamang na naka-awang, sa larawan na iyan ay iisipin nang iba na gusto ko ang nangyare, yung paghalik sakin ni Adam sa kotse at yung pagbigay niya sakin ng pera sa Cafeteria!

Meron din kay Zac, nakatalikod ako sa Camera habang si Zac ay nakangiting nakatingin sakin, at meron ding ang pagyakap namin sa isa't-isa, ito iyong nagpasalamat ako sa mga advise na ibinigay niya sakin at pinarealize na mahal ko nga talaga si Adam, meron din si sven, ito iyong kinausap niya ako sa pintuan.

Biglang may nagsalita sa speaker nitong paaralan, tipong kahit saan ka mang sulok nitong paaralan na ito ay maririnig at maririnig mo ito.

"Ikaw ang makinig Adam, isa akong pokpok! at hindi ako isang tangang tao para maniwalang may magmamahal pa sa isang kagaya ko! marumi ako Adam, marami nang gumamit, binabayaran. salot ako Adam, salot"

Nagulat ako saking narinig, dahil boses ko ang nasa speaker, isang voice record.

Dahan-dahan akong tumingin sa mga tao, napasinghap silang lahat nang marinig ang aking sinabi.

Nakita kong umakyat si Paisley sa stage at nasa likuran niya si Linus, napakunot-noo akong napatingin kay Linus ngunit nakayuko lamang siya.

May hawak na microphone si paisley at biglang nagsalita"Oh my god...may isa pokpok ang nakapasok sa paaralan? hindi ba kayo nababahala? na baka landiin niya ang anak niyo!"sambit ni paisley at maraming mga magulang at nagbulung-bulungan habang ang mga babae estudyante naman ay nandidiri at masamang nakatingin sakin

"Look everyone, ini-isa isa niyang nilalandi ang mga lalaki rito--"bigla na lamang inagaw ni Adam ang microphone saka tinapon sa kung saang sulok nitong stage.

Bigla akong hinila ni Adam at pumasok kami sa back stage, may mga iilang tao ang naroon.

"LABAS!"malakas na sigaw ni Adam na nagpatalon saming lahat, lahat sila'y lumabas nitong silid na ito at tanging kami nalang ni Adam ang natira.

Binitawan ako ni Adam kaya napahawak ako saking pulsuhan, medyo mahigpit ang pagkakahawak niya kaya nag-iwan ito nang pulang marka.

"Why you always hurt me, Era?"tanong ni Adam, nakatalikod siya sakin at nakayuko.

Mahina lamang ang pagkakasabi niya ngunit sapat na upang marinig ko, may halong lungkot din sakanyang boses.

"Adam--"

"I always understand and forgive you, babalik sayo at mamahalin kang muli pero bakit ito ang sinusukli mo sakin?"tanong ni Adam at nilingon na ako.

"I'm still not enough?"malungkot niyang muling tanong at ginulo ang kanyang buhok"Stupid me, thinking I was good enough"sambit niya at pekeng tumawa.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon