Chapter 6

18.9K 136 8
                                    

"I miss you"malambing niyang sambit saka lumayo pagkatapos ay hinaplos ang aking pisnge, bumilis ang tibok ng aking puso.

Ang mga mata nitong, nangangausap, hindi kalibogan o pagnanasa kundi kumikinang ang mga ito.

Nagtitigan lamang kami ng bigla itong ngumiti.

Ngiting kita ang mga magaganda at mapuputi nitong ngipin.

"A-Adam"nakatulala lamang ako sakanya, sanay na akong makakita ng gwapo pero kakaiba ang kagwapohan ni Adam, para bang siya na ang pinaka-gwapo saking paningin.

"Yes baby?"nakangiti parin ito, na para bang ang saya saya niya.

Tinitigan ko siya, hindi mawala-wala sakanyang labi ang kanyang ngiti.

Hindi ko maiwasang mapahawak saking dibdib, dahil ang puso ko ay walang tigil sa pagbilis nitong pagtibok.

Pero hindi ito ang tamang panahon para madala at mahulog sa ganitong klaseng pagtrato, lalong-lalo na mahulog sa itsura ng lalaking ito.

Buti na lamang naalala ko ang mask kaya may masasabi parin ako sakanya.

"Yung mask ko ibalik mo na"saad ko kaya agaran nag-iba ang kanyang itsura, ang kaninang nakangiting Adam ay napalitan ngayon ng pagsimangot.

Sumimangot siya at sinamaan ako ng tingin.

"No"madiin niyang sagot at binitawan ako saka umupo siya sa upuang inupuan ko"What are you doing? are you busy?"tanong nito sakin at tiningnan ang aking laptop.

Napabuntong-hininga ako, napatingin naman ako sa paligid ngunit agad ring napaiwas ng marami akong nakitang iba't-ibang klaseng reaksyon.

May ibang naiinis, sinasamaan ako ng tingin, may ibang nakakunot-noo, nagtataka saming dalawa o sakin, may iba namang nagbubulungan.

Muli akong napabuntong-hininga at muli na lamang umupo at tumabi kay Adam.

"Adam, pwede bang ibalik mo na? Kailangan ko yun"saad ko sakanya pagkaupo ko.

"Oh! You reading purcom?"tanong niya at nilingon akong nakangisi"purcom is so easy"sambit niya at hindi pinansin ang aking sinabi.

Napairap na lamang ako.

"Adam"napipikon kong saad, ngunit titig lamang ang sinagot nito sakin.

Nagtitigan kami ngunit ako rin ang unang umiwas, masyadong malakas ang epekto nito sakin.

Para bang hinihigop nito ang aking kaluluwa, nakakatunaw ang mga titig niya.

Inabot ko na lamang ang aking laptop at nagkunyareng nagbusy-busyhan.

Ngayon alam ko na kung bakit ang daming babaeng baliw na baliw sa sakanya.

Kasi ang lakas ng dating niya, lakas makahatak ng kanyang gwapohan, idagdag pa ang nakakatunaw nitong pagtitig na kung sa iba pa ay nakakalaglag panty.

Pumasok muli saking isipan ang imaheng nakangiting Adam kagaya kanina.

Kaya hindi ko maiwasang mapangiti rin.

"Why are you smiling?"tanong niya kaya agad akong napalingon sakanya at nadatnan ko si Adam na titig na titig na naman sakin.

Iniisip ko si Adam kahit katabi ko lamang siya.

Napailing na lamang ako at muling binalik ang aking tingin sa laptop.

"Masama na bang ngumiti?"mataray kong tanong sakanya kaya narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya muli akong napatingin sakanya. Ningitian niya ako kaya parang lumandag ang aking puso dahil sa pagngiti lamang niya.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon