Chapter 5

21.6K 148 4
                                    

Maaga akong nagising at hindi na nakapasok sa trabaho kagabi dahil ang lintik kong kapatid, pinatay ang selpon ko! kaya walang alarm ang gumising sakin.

Saka kung sakaling nagising man ako, hindi parin ako makapapasok dahil kinuha ng langya na 'yun ang mask ko.

Sa mundo ng mga pokpok, maaaring ipakita mo ang mukha mo para makilala ka nang lahat o maaari mo ring itago kung ayaw mong malaman ng lahat.

Ayaw kong dumating ang araw na kinakahiya ako ng sarili kong kapatid dahil sa isa akong pokpok.

Siya nalang ang natitira sakin, ayaw ko pati siya, mawalay.

Nakatayo at nakatitig sa malaking salamin rito sa banyo, tinitingnan ang kabuuan ko. Ang hubad kong katawan na marami nang gumamit.

Sinong lalaki ang kayang tanggapin ang maruming babae?

Hindi ko kayang mahalin at tanggapin ang sarili ko, ang iba pa kaya?

Hanggang ngayon nandidiri parin ako sa sarili, pero anong magagawa ko? ito ang naging kapalaran ko.

Maging pokpok.
Parausan.
Bayaran.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga taong gumamit saking katawan, mapa-bata, matanda o kasing edad ko, basta't binabayaran nila ako go ako.

May mga tao ding pinapamukha saking pokpok ako, 'di na nila alam ang salitang respeto basta't saming mga pokpok kaya mapangahas sila saming katawan.

Dumating sa puntong hindi ko alam na may dalawa pa palang naghihintay sa kwarto, ang akala ko'y kaming dalawa lang ngunit, pinagtulungan at ginawa akong barbecue, ang kaibahan lang, isa lang ang baboy ngunit tatlo ang stick.

Nilagnat ako nun pagkatapos at buong linggo sumakit ang aking lagusan.

"Ate!"sigaw ng aking kapatid at malakas na kumakatok sa pintuan, napatalon naman ako at gulat na gulat napatingin sa pintuan.

"Bilisan mo naman oh! maliligo pa ako!"sigaw nito at patuloy parin sa pagkatok ng malakas.

"Oo na oo na! sandali nga lang!"inis kong sambit at nagmamadaling pinulopot saking katawan ang tuwalya, ang buhok kong nasa aking dibdib ay nilagay ko saking likuran.

Napahinto ako nang may makita ako sa salamin, lumapit ako rito at hinawakan ang aking leeg.

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nilagyan ako ng marka ni Adam!

Kahit sino makakakita, siguradong malalaman agad nila ang ginawa ko o namin kagabi. Malaki ito at dalawa, napatingin naman ako sa kabila at may nakita akong isa.

Aish! ADAM!

Nang-iwan ng hickey ang loko.

Muli kong binalik ang aking buhok sa dating ayos, kung saan nakapatong ang buhok ko saking dibdib at braso.

At pailing-iling na lumabas ng banyo.

Nakita ko naman ang aking kapatid na nakasandal sa pader at bagot akong tiningnan.

"Wala na bang ikatagal 'yan? gusto mo ilipat natin kama mo sa banyo at jan kana tumira"masungit at sarkastikong sambit niya saka padabog na pumasok sa loob at malakas na isinirado ang pinto.

Inirapan ko na lamang siya at pumasok saking kwarto, hinihanda ang aking uniporme nang hindi sinasadyang masagi ang picture frame na nasa gilid ng aking kama na nakapatong sa maliit na mesa. kaya nahulog ito sa sahig at nabasag ang glass nito.

EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon