Chapter 29

13.6K 669 164
                                    

FERISH

GUSTO KO na sumimangot.

"Ms. Asiah, why is it that you're always involved with trouble? The last time is with the student, and now, an instructor." Bungad sa akin ng Dean pagkapasok ko palang sa office niya. Ni hindi pa ako nakakaupo ay may nasabi na agad siya.

Nandito na naman ako sa office niya sa parehas na dahilan ng dati---nasangkot sa gulo. Akala ko pa naman ay magiging payapa na ang buhay ko dahil nanahimik na sila, pero mukhang mali pala. Naging suki na niya ako dito kaya feeling ko ay magiging close na kami ni Dean.

Dapat pala ay nanahimik na lang ako kaninang nagpa-observe. Hindi ko naman talaga intensyon na mang-insulto at gano'n lang naman talaga ako magsalita. Is that even an insult? Saang banda? Nanghingi siya ng opinyon tapos nung nagbigay naman ako ay 'insulto' ang dating sa kan'ya? Ang galing naman no'n.

Katabi ko si Victori sa gilid sa kanang bahagi habang nasa harap naman namin 'yung instructor na hindi ko naman kilala. Nagtataka nga rin ako kung bakit kasama si Victori?

"Is it true, Ms. Asiah? You insulted Instructor Rivero in front of his class when he asked you to give your opinions about the way he teach?" Magalang na tanong sa akin ni Dean. He's being careful to not accuse me to something I didn't do.

Kailangan ko pa bang sumagot? Nakakainis naman. Nananahimik ako tapos mangyayari ito. Kahit anong gawin ko, gulo na mismo ang lumalapit sa akin.

"My opinion wasn't meant as an insult." Mahinang sagot ko pero narinig naman ni Dean. Napayuko na lang ako at bumuntong-hininga habang dinadama ang lamig ng opisina niya.

"It wasn't meant? You said that the students won't listen because of the way I teach!" The professor countered with an evident anger on his face.

Hindi naman gano'n ang sinabi ko, binawasan pa niya. Saksakin ko kaya siya tapos sabihin kong kasalanan niya kasi hindi siya umiwas?

Ang sinabi ko ay dapat siyang gumawa ng paraan para makuha niya ang atensyon ng mga estudyante niya. Is that an insult? Ang simple nung sinabi ko, hindi niya pa maintindihan. Instructor siya sa lagay na 'yan.

Tumikhim si Victori na nakahalukipkip pa na nakatitig sa instructor. Napatingin ako sa kan'ya at binigyan naman niya ako ng isang tipid na ngiti.

Umayos siya ng pagkakaupo at inilabas ang cell phone niya. May pinindot pa siyang kung ano.

"Here." Iniabot niya 'yon sa Dean na mukhang nagtataka sa ginawa niya pero kinuha pa rin. "Play it. I recorded their argument earlier and please, be fair with them." Pakiusap pa niya.

Ni-record niya? Bakit naman? Baka na-sense niyang may hindi magandang mangyayari? Pwede. Pero ang galing naman ni Victori. Naisip niya pa 'yon? Gusto ko siyang palakpakan.

"Your opinion, Ms. Asiah?"

"Everything you said was right, because you read the book. It shouldn't be even called as 'discussion', it should be 'story telling'." There was a long pause.

"You didn't explain anything sir, you just read the whole lesson in that book." It was my voice, explaining what I observed while in his class.

"You should've given your thoughts---"

The record continued and they were all listening carefully, especially the dean. I looked at the instructor and he's definitely pale. Sweats are starting to form in his forehead, and he looks nervous.

I don't know. Ako ba talaga ang mali? O siya? Pero nagsabi lang naman ako ng totoo, insulto na ba agad 'yon? Siya nga 'yon. Siya 'yung nang-insulto sa mga magulang kong nananahimik sa kung saan.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now