Chapter 36

14.4K 674 248
                                    

OCTAVIA

"ARE YOU CERTAIN, you're okay now?" I asked Ferish for the nth time, worried that she's still hurt by what happened.

I swear, her reaction earlier broke me. Para siyang pinagkaisahan, and that's utterly maddening. She didn't deserve that. Nasaktan pa siya sa pagkakapaso kaya nagpunta kami ng clinic para ipagamot. Nilagyan naman siya ng ointment at ngayon ay mukhang maayos na.

We're back in my office. I shouldn't have left her alone. It's a bad idea to bring her here. Sana pala ay hindi ko na lang siya inaya para nakapagpahinga siya sa dorm.

"Okay lang." There's a hint of sadness in her tone that certainly clenched a part of my heart. Parang hindi ako makahinga kapag nakikita kong nasaktan siya.

She has that sad expression even if she's trying to hide it. Maamo ang mukha niya na parang walang gagawing kasalanan. Her lips are slightly pouted while she's playing the hem of her polo. Nakaupo kami sa mahabang sofa at hindi ako mapakali.

"Hey..." Masuyong pagtawag ko at niyakap siya palapit sa akin. Para siyang batang kusang kumapit sa akin at sumiksik sa dibdib ko para magtago. "It's okay now. No one's gonna hurt you, okay?" Pag-aalo ko para kumalma na siya.

"Unfair ng mga tao." Sumbong niya sa akin habang nakanguso. I saw a glimpse of a cruel emotion in her eyes. "Patayin ko sila d'yan, e." Dagdag niya kaya natigilan ako at mahina siyang hinampas sa likod para bawiin niya.

"Ferish, ha." Saway ko.

Sumimangot siya at nagtago ulit ng mukha. "Joke lang."

We're still in the office. Hindi pa ako makaalis dahil hindi pa tapos ang shift ko, at siya naman ay ayaw pa raw umuwi. She's such a stubborn girl. Natunaw na 'yung ice cream na binigay ko sa kan'ya.

Paano pala kung hindi ako dumaan kanina doon? Who will save her?

"Balik ka na sa work mo, Eight." She urged me and pulled from the hug. Binigay ko sa kan'ya 'yung isang unan sa tabi para yakapin niya. "Hintay kita."

"Will you be fine?" I asked again, still worried. Tinignan ko ang braso niya na namumula pa rin at marahang nilapit sa bibig ko para halikan iyon. Napatitig siya sa akin dahil sa ginawa ko. "What?"

"Bakit mo hinalikan?"

"G-Gusto ko lang." Nag-iwas ako ng tingin at binitawan na siya. "I'll check you here from time to time. Call me if you need anything, hmm?" Bilin ko at akmang aalis na nang bumalik ako sa pwesto niya.

"May nakalimutan ka?" Inosenteng tanong niya kaya tumango ako.

I leaned myself down to give a light kiss on her forehead. Hinaplos ko siya sa pisngi at bahagyang ngumiti. "See you."

I went my way out of the office to continue working. May mga napapatingin sa akin dahil sa nangyari kanina, pero hindi ko na pinansin. F*ck them for hurting my Ferish.

I fished out my phone from my pocket to call someone. "Hey, do me a favor." I greeted and felt myself smirk a little with all the devilish thoughts I have.

Ferish was hurt. She cried. Hearing her cry felt like tearing my heart apart. I can still remember the fear in her eyes and the innocence. I can never let it pass. No one can... hurt her.

SHE ACTUALLY waited until my shift ended. It's already evening. Naabutan ko siya sa sarili kong office na natutulog sa sofa habang hindi maayos ang pagkakasuot ng salamin. She's sleeping like a baby while hugging the pillow that I gave her.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now