Chapter 11

14.4K 697 215
                                    

Warning: This chapter contains Violence that may not be suitable for young readers. Please proceed with caution.

_____

FERISH

I CAREFULLY scanned him from head to toe while looking surprised to see me standing meters away from them. I, then, tilted my head to the side to think properly instead of succumbing into my own darkness that no one can tame.

"Anong ginagawa mo?" Kalmadong tanong ko at sinarado ang pinto bago naglakad palapit sa kanila.

"Uuwi na kami ng girlfriend ko." Ngumiti pa siya sa akin at binalingan ng tingin si Eight na masarap na ang tulog. "Lasing na kasi, uuwi ko na."

The way his scared eyes can't stare into mine, and the tone of stutter in between his sentences. Even the way he held Eight's arm.

"Girlfriend." Tumangu-tango ako at humalukipkip. "Ano nga ulit pangalan niya?" Pag-uusisa ko.

Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko. "Bakit ka ba nangingialam? Magsara na kayo, aalis na kami." Inakbay niya sa balikat niya si Eight na mukhang lasing at hindi pa makatayo nang maayos.

Tumingin ako sa paligid, pero agad ko rin binalik ang tingin sa kan'ya nang maalalang sila na lang pala ang tao rito dahil nakaalis na halos lahat. Tatlo na lang din kaming staff na naiwan at silang dalawa ay nasa labas. Si Monmon ay lasing. Nakasarado ngayon ang pinto at hindi maririnig ang ingay kung sakali man.

I scanned the room and there are two tables inside. May picture frame malapit sa kinauupuan ni Eight kaya nakita ko ang pako doon. May sofa na malapit sa pader, at 'yung mga upuan ay dalawa na nasa tapat lang no'n.

Sukat doon ay natawa ako nang pagak at napatakip ng bibig dahil sa nangyayari. I gently bit my index finger while suppressing myself from laughing, but I end up letting out a soft giggle. Napaatras 'yung lalaki dahil sa reaksyon ko at nagtataka akong tinignan pero nanatili ako sa pwesto.

I chuckled once again out of amusement. I can feel the rushing excitement of something in every bit of my veins, making me want to commit what must not be.

"A-Anong nakakatawa?"

Tinuro ko siya gamit ang hintuturo ko. "Ikaw." Napailing na lang ako at binalingan ng tingin si Eight na mukhang maayos naman ang lagay. "Bitawan mo na siya, pwede ka nang umalis."

"Bingi ka ba? Sinabi na nga---"

"Alam mo, ayoko talaga sa mga sinungaling." I smiled at him when I cut off his sentence. "Dali, alis ka na habang may chance ka." Pangungumbinsi ko at tinuro ko pa ang pinto para malaya siyang makaalis ngayon.

He stared at me in disbelief as though I said something ridiculous. Napatikom ako ng labi nang umiling siya at parang hindi naintindihan ang mga sinabi ko. Is he stupid? Parehong lenggwahe lang naman ang ginagamit namin. Ang simple na nga nung sinabi ko sa kan'ya.

Hinawakan niya nang mariin si Eight sa balikat at narinig ko ang pagdaing niya. It cut off the little patience I have for him. "Ano bang---"

Hindi niya natapos ang sinasabi nang sa isang iglap ay mabilis akong nakalapit sa kan'ya at sinabunutan siya sa buhok.

BLAG!

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now