Chapter 6

15.9K 808 506
                                    

FERISH

'YUNG INIS niya sa akin, sagad hanggang buto.

Feeling ko ay naging mortal enemy na kami ni Monmon. Ilang linggo na rin ang nakalipas at hanggang ngayon ay magkaaway kami sa bagay na hindi ako sigurado.

I mean, siya lang naman 'tong galit sa akin kapag nagkikita kami. Hindi ko naman siya gaanong pinapansin pwera na lang kung aasarin ko rin siya. Siya lang ba pwedeng mang-asar? Pikon pa naman siya kapag sinasagot ko siya. Saka, ang cute ng mga reaction niya kapag naiinis.

The way her perfectly shaped eyebrows curve is totally captivating. Her face painted with annoyance always leaves me in awe and happiness.

Ang masama nga lang, mabigat pala ang kamay no'n. Tuwing nagkikita kami at kahit anong madampot niya ay binabato niya sa akin kapag naiinis. Nung nakaraan, orange, slice ng mangga, grapes, at apple. Iba-iba bawat araw, eh. Depende sa kinakain niya.

Nasasalo ko naman 'yung iba, pero 'yung iba ay hindi. Lagi siyang galit. Mukha talaga siyang Titan, pero 'yung magandang version siguro. Ang tangkad ba naman. Paano niya na-achieve 'yung gano'ng height?

Mabuti na nga lang din at hanggang do'n lang ang ginagawa niya bukod sa pang-aasar na sasagutin ko lang din naman. Pakiramdam ko tuloy ay naglalaro ako, pero pakiramdam ko rin ang sinusumpa na niya ako.

Ayaw niya pang makipagbati sa akin, hindi naman na siya lugi. Mananahimik na nga ako. Should I start to befriend her? It must be nice to do so. She's interesting.

"Hello, Summer." Bati ko sa kan'ya nang maabutan siya doon sa mini garden at naupo sa harapan niya. "Tignan mo 'to, nagluto ako."

Tumaas ang isang kilay niya at naghihinala akong tinignan. Tinigil niya na rin ang pagsusulat ng lecture sa notebook niya para ibigay ang atensyon sa akin. "You cooked?"

"Oo nga. Look, oh." Nilabas ko pa sa lunch box 'yung sinasabi ko para ipakita sa kan'ya. "'Di ba, ang astig? Nakapagluto ako." Pagmamayabang ko pa.

Tinignan niya 'yung luto ko at sinuri. The way her brown eyes scanned it is kinda making me feel that she's already accusing me of something. "In fairness, hindi mukhang hilaw o sunog."

"Ang pangit mo namang kausap, para mo na ring sinabi na 'yon lang ang nangyayari sa niluluto ko."

"Bakit, hindi ba?" Asar niya sa akin. "Sino nga ulit 'yung huling beses na nagluto, halos masunog 'yung buong kusina?"

Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng nagkamot ng pisngi. Ang ganda ng mga puno, ng nature, 'wag lang talagang aaminin kung sino ang tinutukoy ni Sum. "Hindi ko kilala 'yan." Pagtanggi ko at nakakaasar talaga 'yung tawa niya.

Napasimangot ako at akmang babawiin 'yung tupperware nang makuha niya. "Akin na, nilalait mo lang."

"Hindi na, joke lang." Nginisihan niya ako at kinuha 'yung fork para tikman.

Nagpaturo talaga akong magluto kay Zierra, 'yung na-meet ko the last time. Mabait siya. As in. Tapos, masarap pang magluto kaya nagpaturo na ako. Binigyan niya naman ako ng instruction at sinunod ko lang naman.

Madalas ko rin siyang nakikita sa coffee shop, lalo na sa hapon at gabi. Minsan nga ay pakiramdam ko ay binabantayan na ako dahil saktong may shift ako kapag nand'yan siya. Imposible naman na kilala niya ako para sundan. She's too gentle and kind to be that kind of person.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now