Chapter 4

16.7K 745 192
                                    

FERISH

"GOOD MORNING, Monmon." Nakangiting bati ko nang makita ko siyang prenteng nakasandal sa gilid lang ng locker na parang may hinihintay.

Natigil ang pagkagat niya sa hawak niyang mansanas at salubong ang kilay na tinignan ako. Ayan na naman 'yung matalim niyang mga titig na parang pinapatay na ako sa isip niya.

Nakasuot siya ng PE uniform nila na maroon shirt na may black patterns sa mga gilid, saka jogging pants na bumagay sa kan'ya. Kahit siguro basahan ang isuot niya ay babagay sa kan'ya.

Pero, siya na nga 'tong binati, siya pa 'tong galit. Ang aga namang masira ng araw niya at hindi pa nga umaabot ng tanghali. Imposibleng ako ang dahilan dahil ang behave ko nga para mainis siya sa akin.

Paakyat na talaga sana ako ng hagdan para sa first subject kung 'di ko lang siya nakita na mag-isa at may sariling mundo rito. Ngayon ay nakasimangot na naman siya, pero ang ganda pa rin ng mukha niya kahit na mukhang galit. Grumpy bird siya.

"Ang aga mo namang gali--- aray!" Hiyaw ko sa sakit nang bigla niyang ibato sa akin 'yung mansanas at talaga namang sa ulo ko mismo tumama! "Masakit 'yon!" Angil ko sa kan'ya pero inirapan niya lang ako.

"Kairita." Bulong niya pa bago ako padabog na talikuran at naglakad palayo.

Natahimik naman ako nang makitang masama ang tingin sa akin nung mga dumadaan na estudyante. Well-respected kasi rito si Monmon na hindi ko alam ang pangalan, kaya pati estudyante ay mukhang galit na rin sa akin. Buti nga at hindi nangingialam, hanggang sama lang ng tingin ang ginagawa. Buti nga at sanay na ako sa gano'n.

Naiwan sa kamay ko 'yung apple na buo pa rin at mapula. Wala pang kagat. Akin na lang, ayaw niya naman na siguro. Ang bait naman niya pala, hindi pa naman ako nagbreakfast dahil nagmamadali ako.

Umakyat na ako patungong classroom namin habang kagat-kagat 'yung mansanas at mahinang nagh-hum. Babatiin ko sana si Summer nang makapasok ako sa classroom, pero nakita kong doon talaga siya tumabi sa mga kaklase namin para pagitnaan siya at hindi ako makatabi.

Nagtampo na nga siya.

Kasalanan ko rin naman. Alam ko namang nag-aalala siya pero palagi ko na lang sinasabi na maayos ang lahat. She must've felt that I don't trust her, which is the contrary.

Ayoko lang naman talagang nagsasabi sa kahit na sino, aside sa isang tao na komportable ako. I mean, Summer is my closest friend, but there are some things that she doesn't need to know.

Kausapin ko na lang siya nang maayos mamaya. O kaya kapag malamig na ang ulo. Bakit naman kasi magka-kontra ang pangalan niya. It's Blizzard Summer McKinley. Parang mood niya lang. Minsan malamig, minsan warm. Hindi ko gets.

"Ms. Asiah, maupo na." Pagtawag ng professor nang makitang nakatayo pa ako kaya dali-dali akong naupo.

Nagdiscuss lang sandali at ngayon naman ay naniningil siya dahil may activity kaming magda-dissect pero ng palaka lang. Ang masama pa, ang mahal ng bayad. 500 daw? Para sa palaka, five hundred na agad? Ginto ba 'yung frog? Baka nagiging prince pala kapag ni-kiss.

Buti sana kung cadaver, eh. Baka mas maintindihan ko pa. Pero baka sa second year pa raw 'yon or third. Depende raw sa mga professors namin sabi nung ibang students sa higher years. Nakakausap ko kasi sila minsan.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now