Chapter 38

13.7K 668 230
                                    

FERISH

"MORNING, ZERI." Inaantok na bati ko nang maalimpungatan at naabutan ko siyang nag-aayos ng mga unan niya. Inaayos niya na rin ang kama pero nagugulo dahil sa pagtulog ko.

I can smell his manly scent laced with soft and sweet scent from the soap that I'm using. Kaliligo niya lang at nakasuot lang ng puting sando kaya nakikita ang ganda ng katawan niya dahil fit sa kan'ya.

Nag-inat ako at humilata kaya nasakop ko ang buong kama. Ang aga niya namang nagising. Tabi kami natulog dahil may pinag-usapan kami nung magising ako kaninang madaling araw. Hindi na ako nakabalik sa tabi ni Eight dahil baka magising pa siya.

We had a lot to talk about. Mostly naman ay in-update niya ako sa kung anong ganap sa kanila. Maayos naman sila kaya hindi na ako nag-aalala, pero may part lang na naging magulo nang umalis ako.

"Good morning." He gently greeted and leaned himself down to kiss my forehead. "I'll cook breakfast. What do you want?"

"Gatas." Inaantok na sagot ko at dumapa para matulog pa. Kinuha ko ang unan ang niyakap para makatulog pa. "Sleep pa."

"You have your classes, Ferish. Get up." Utos niya sa akin kaya napasimangot ako dahil hindi 'yan titigil magsalita hangga't hindi ako bumabangon.

I groaned in annoyance. Antok na antok pa ako na bumangon at sumunod sa kan'ya. Nanlalabo ang paningin ko at ramdam ko ang pagpintig ng ugat sa sentido ko. Naghihikab na kumuha ako ng damit sa closet at nagpunta ng banyo para makaligo.

I stripped off my clothes and went straight to the shower. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung anong sinabi ni Dmitra kay Eight, dahil ayaw niya namang sabihin sa akin. I asked Eight about it but she only dismissed the topic. That woman is totally unpredictable. Baka kung ano na pala ang chinismis niya kay Eight na hindi ko alam.

Ang lamig ng tubig kaya nagising ang katawan ko. Tumingala ako para hayaan na tumulo sa katawan ko ang malamig na tubig. It is cold, but it somehow calmed me.

But, I knew that no matter how much I was my hands, my body... I can never wash my cruel sins.

I also remembered the passionate kiss that we shared last night. It is still her fault. Napakaganda niya sa paningin ko. I became too impulsive that I want to feel her. I wasn't able to stop myself. Nakakapanghina talaga siya.

Until now, I'm thinking if I should really go back to where I was before being here. Will a mere visit be enough? Pagkatapos ba no'n ay hahayaan na ulit nila ako sa gusto ko? Maybe yes, maybe no. Too much responsibility is killing me.

Tinapos ko na ang pagligo at nag-toothbrush. Nagbihis na rin ako ng uniform dahil maaga ang pasok ko ngayon. Pagkalabas ko naman ng kwarto ay halos mapatalon ako sa gulat nang si Eight ang bumungad sa akin!

Napalunok ako. Ang sama ng tingin niya sa akin. Matalim na parang nakakahiwa. Malalim na parang nakakalunod. For a moment, I felt shivers crawled up my skin at the piercing stares she's giving me.

"E-Eight, bakit ang sama naman ng tingin mo sa'kin?" Kinakabahang tanong ko at alanganing ngumiti dahil baka masama lang ang gising niya. "Good morning."

"You slept beside him?"

Napakamot ako sa pisngi at alanganing tumango sa kan'ya. "Oo, hindi kasi ako makatulog nung madaling araw, tapos saktong gising siya kaya kinausap ko na." Kwento ko. She stared at me. Those deep green eyes seemed to be darker, sparkling with... madness.

"And? Bakit hindi ka bumalik sa'kin?" She asked with an obvious irritation.

A part of me clenched at the question. It made me speechless because even I didn't know how to answer something that's... utterly difficult to comprehend. Bakit? Bakit hindi ako bumalik?

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now