Chapter 16

15.1K 727 78
                                    

FERISH

ANG SAKIT ng katawan ko.

I heaved a deep sigh when I finally opened my eyes. Nasilaw pa ako sa liwanag kaya agad akong napapikit ulit. I can feel the weakness very well and it's stopping me from moving. My body is begging me to rest, but my chaotic mind won't let me. Kumikirot ang bandang sentido, kamay, at sikmura ko.

Mabilis na naalala ko ang nangyari at hindi na naguluhan pa kung bakit ako nasa ospital. Nabugbog ako nung mga bully. I feel so pathetic and embarrassed that it actually happened. But, it's not every time that I can stand firmly on my ground and be a hideous devil.

"S-Summer." Nanghihinang pagtawag ko nang saktong magising siya mula sa kinauupuan niya.

I blinked my eyes repeatedly, and didn't feel something. "Tinanggal ko." She answered when she saw me, confused.

Gulat pa rin siyang nakatingin sa akin, at nagulat ako nang mabilis na nangilid ang mga luha niya! H-Hala, bakit siya naiiyak?

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko at inikot ang paningin sa loob ng kwartong puro puti ang nakikita ko. It brings back memories, and it feels sad. Ang gaspang pakinggan ng boses ko kaya napangiwi ako.

"Goodness, you're awake." Nanginginig na lumapit siya sa akin at mabilis na niyakap ako. Hindi ko na ininda ang sakit dahil mukhang natuwa siya sa nakita at mahigpit ang yakap sa akin.

"Ikaw naman, Ferish, bakit naman kasi hindi ka nag-iingat? Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na magbehave ka? Anong nangyari?"

Napasimangot ako sa narinig sa kan'ya. Kagigising ko lang, sermon na agad ang bungad niya. Sana nangumusta muna siya kung okay ako. Ang mean niya talaga sa part na 'yan. Hindi na dapat ay nangungumusta muna kung anong nararamdaman ko? Kung ayos na ba ako? Napakagaling.

"Oo na." Nakangusong sagot ko at nagsalubong ang mga kilay. "Okay lang ako. You know how I experienced much worse." I reassured her and yawned, feeling vulnerable right at this moment.

Inaantok pa ako at nanlalata, pero pakiramdam ko ay mas lalo akong magkakasakit dito sa ospital. Ayoko talaga rito. Suki pa naman din ako ng ospital, kahit noon. Lagi ba namang napapahamak, tapos sasabihan akong lampa.

"Ikaw 'tong mukhang mas m-may sakit, Summer." Pagpuna ko dahil malalim na ang mga mata niya at bahagyang namumutla. Parang hindi siya natutulog nang maayos. "H-Hindi ka ba natutulog?"

Umiling siya at parang konti na lang ay pwede na kaming magtabi sa hospital bed sa itsura niya. "Binabantayan kita. Umatake raw migraine mo." Hinaplos niya pataas ang buhok ko at lumambot ang ekspresyon sa mukha. "Kumusta na pakiramdam mo?"

I gestured my hand, dismissing the topic. "Ayos lang."

"Hindi ka maayos." Pagdidiin niya kaya lumabi ako. Nagagalit na naman, kagigising ko lang. "Stop saying that you're fine when you're not." Mahina niya akong pinitik sa noo. Nasaktan na nga, mananakit pa ulit.

"Mas madali kasing sabihin na ayos ako, kaysa ipaliwanag kung bakit hindi." Walang ganang sagot ko kaya yumakap ulit siya sa akin. Naiintindihan niya naman ang sinabi ko.

All my life, weakness and this kind of thing is always invalid in their judgmental eyes; I am not even allowed to weep like a helpless child, when I am actually one. I am never valid to be weak because if I became one, everything will rapidly decay. Everything is on me.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now