Chapter 24

15.9K 706 339
                                    

FERISH

"TUMAAS NA naman pala grado mo."

Natigil ako sa pag-aayos ng mga hiniram kong libro sa library at napasinghap ako sa narinig. Na-excite ako bigla kaya nakangiting binalingan ko ng tingin si Summer.

"Talaga? Naglabas na ba ng scores---aray!" Daing ko sa sakit nang biglang pitikin niya ako sa noo! "Inaano ka ba?" Singhal ko sa inis.

Masama ang tingin niya sa akin habang nakahalukipkip na nakasandal sa pintuan ng kotse niya. Hindi naman siya inaano, pero nananakit. Nagtanong lang naman ako. Swerte ni Summer at may mabait siyang kaibigan na iniintindi ang mood swing niya.

"Grado sa mata, Ferish." Pagtatama niya kaya natigilan ako at biglang na-disappoint dahil ibang grado pala ang tinutukoy niya.

Mata pala. Akala ko ay grades sa acads ko. Ang dami-daming tataas, bakit eyegrade pa. Pwede namang grades ko, o kaya height para hindi ako inaasar. Ang sakit naman. Though I'm not small. Hindi.

Tinuloy ko ang pag-aayos ng mga libro sa bag ko dahil puno na at siksikan kaya magulong tignan. Ang lamig ng hangin kaya kinilabutan ako, pero hindi siya dahil sa lamig lang. Something feels off tonight that my instinct is telling me that someone... is watching me.

Lumingon ako sa kanang bahagi ko at hinanap kung saan nanggagaling ang mariin na mga titig. I squinted my eyes because everything that my eyesight catches is definitely blurry.

"Saan ka nakatingin?" Takang tanong ni Summer at tinignan ang direksyon na tinititigan ko.

"May nanonood sa atin." Pag-imporma ko sa kan'ya at nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya.

"Sigurado ka?"

"Ninety-percent, yes." I shrugged off my shoulders. Sinilip niya pa ang meron sa may kanang bahagi ko pero mga poste lang at mga matataas na building ang meron, katabi ng mga dorm.

"Are we safe?" May halong kaba na tanong niya. "May stalker ka ba?"

"Safe tayo. No worries." I reassured her and smiled to ease her fear. Dapat pala ay hindi ko na sinabi para hindi siya mag-overthink. "Baka ikaw ang may stalker, Sum."

"Bukod kay Deyjen, wala naman." Ngumiwi siya sa naisip at mukhang nairita sa binanggit niyang pangalan.

"Wow, haba pala ng hair mo, bestie. Hindi pa rin pala 'yon sumusuko." Namamanghang papuri ko.

Deyjen is currently in Russia with a great yet evil friend of mine, Ty, to deal with some things. Ang tagal niya ng nanliligaw kay Sum pero hanggang ngayon ay hindi sumusuko.

"Paano mo pala nalaman na tumaas eyegrade ko?" Pag-iiba ko sa usapan at tumalikod sa direksyon na kanina ko pa tinititigan.

The piercing stare is suddenly gone. Umalis na siguro. I have a hunch who is it but I hope it's not someone who actually knows me.

Mataray na inirapan ako ni Summer at nilabas ang bitbit niyang blue na paperbag. "Kinuha ko na 'yung salamin mo para hindi mo na daanan."

I gasped once again, showing delight to what she did. Kinuha ko ang nasa loob ng itim na rectangular box at sinuot. "Maganda ba?" Nakangiting tanong ko dahil iba na ang design ngayon ng eyeglass ko.

It's metallic silver. Manipis na ang frame unlike doon sa nabasag. Tumingin ako sa kaliwa at kanan para ipakita ang bawat side.

She was left staring at me with a familiar spark of absolute adoration in her eyes. "Oo, maganda ka."

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now