Chapter 22

15.8K 706 160
                                    

OCTAVIA

I FOUND her looking drowsy while comfortably sitting on my bed and hugging my pillow in a tight manner. Inaantok na ang itsura niya at papikit-pikit pero pinipigilan dahil nakaupo siya.

Namumungay ang mga mata niyang gusto nang matulog. She honestly looks tired and a little bit pale now that I got to see her in a bright light. She's so adorable because she's trying to suppress herself to fall asleep.

Katatapos ko lang na maligo pero sinama ko siya sa kwarto ko para makapagpahinga siya kahit na sandali bago harapin ang parents ko. Malinis na ang itsura niya, hindi tulad kanina na puno ng bahid ng dugo.

The sight of her cruelty and intimidating appearance honestly looks familiar; I've been trying to think where on Earth did I ever see such majestic human who looks so elagant, even if she's covered in crimson blood that rooted from the violence she seemed to enjoy.

Her shadow that screams hell, and her anger that's burning fiercely have left its trace into my system. I can still feel it until now. I must be insane to think that it is indeed nefarious, yet lovely in my eyes.

Just, who is this girl?

Mukhang hindi niya ako napapansin sa kinatatayuan ko kaya inobserbahan ko siya nang maigi. She's forcing herself to not sleep. Cute. What a dark side she has. I didn't expect it.

"Ferish." Mahinang pagtawag ko nang akmang babagsak na ang ulo niya pahiga kaya nilapitan ko siya. Nahawakan ko siya sa ulo kaya inaantok niya akong tinignan. Konti na lang ay pipikit na rin ang mapungay niyang mga mata. "Wanna sleep now?"

"Ha?" Inaantok na tanong niya at nilinga ang tingin sa paligid na parang ngayon lang natauhan. "H-Hindi na. Uuwi na lang ako." Pagtanggi niya at binitawan ang unan ko para iayos sa dating pwesto. Kanina niya pa inaamoy ang unan ko. "Okay ka na?"

"Kind of." Naupo ako sa tabi niya at hindi agad nagsalita.

I didn't know what to say because everything is still hard to process for me. Katatapos ko lang na maligo kaya bahagyang kumalma na ang pakiramdam ko. It felt like I'm finally clean from that man's touch. Nasa baba ang parents ko ngayon at naghahanda.

"Uwi na ako, bonding niyo 'yan." Paalam niya sa akin habang nagkukusot ng mga mata.

"Ayaw mo ba sila makausap?"

Hindi niya pa sila nakakausap dahil nahatak ko siya patungo rito bago siya magisa ni dad sa baba. I don't want to ruin the night, though they have to explain how did they know this girl out of all people.

"Hindi sa gano'n." Humikab ulit siya at tinignan ako. Nangilid ang luha sa mga mata niya sa sobrang pagpipilit na 'wag matulog. "Pagod ka na rin. Rest na kayo."

"They'll decide on that."

"Bakit?"

I shrugged off my shoulders. Siguradong hindi na nila siya pauuwiin dahil bukod sa late na ay delikado rin sa labas. Is it actually dangerous outside or I'm facing the danger herself, right in front of me? Those are the things that I've been wondering and I think that it's the latter.

Ferish will not harm me, yes?

Tumayo ako at pumunta sa cabinet nang may mapansin sa kan'ya. Kinuha ko ro'n ang first aid kit at nang maupo sa tabi niya ay kinuha ko ang kamay niya. Namumula ang mga kamao niya at may mga gasgas dahil sa ginawa niya kanina.

I put an ointment for the bruises and she was left staring at me. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin na nanunuot sa balat ko na parang ako lang ang nakikita niya.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now