Chapter 41

14K 620 261
                                    

OCTAVIA

"ARAY!" THERE WAS a loud thud upstairs and I'm certain that it's that adorable shortie of mine.

Binaba ko ang hawak na baso ng juice at akmang aakyat sa hagdan para silipin siya dahil baka kung ano na ang nangyari, pero nakita ko siyang nakasimangot na bumababa ng hagdan habang hawak ang bandang baywang.

Kagigising niya lang dahil bukod sa magulo ang buhok ay namumungay ang mga mata niya. Tabingi ang salamin na suot niya at parang nanlalata.

"Kung gusto mong mag-swimming, meron malapit sa gym." I suggested while giving her a bored look. Kaysa sa lapag siya nagd-dive.

"Sakit tagiliran ko, Eight." Nakangusong reklamo niya kaya pinalapit ko siya sa akin na ginawa niya naman.

Tumalikod siya kaya inangat ko ang suot niyang damit. I shook my head when I saw what happened. Namumula ang isang bahagi ng likuran niya na malapit sa baywang. Bakit kasi napakalampa? Saan na naman ba siya nadapa?

"Okay lang ako." Sagot niya kahit wala pa akong tanong. Binaba ako na ang damit niya

"Yeah." I nodded my head. Napanguso siya na parang inapi ko na naman siya. "What?"

"Alam mo, Eight, ang sungit mo sa'kin nitong mga nakaraang araw." She pointed out. Para siyang naglalambing na naupo sa tabi ko at sumiksik sa akin kaya kahit ayokong ipakita ay nakaramdam ako ng panghihina. What the hell is this? "Hindi ka naman inaano."

Binigay ko sa kan'ya ang iniinom kong apple juice kaya tinikman niya. "Ang sakit niyo sa mata. I don't want to say anything else." I said, referring to that man, Zeri.

I scoffed at the thought of it. Ang close nila masyado. Sila lagi ang magkasama at laging sa harapan ko pa nakikita ang mga ginagawa nila. The audacity. Gusto ko silang pag-untugin para matauhan sila. I dislike the sight of them. They look hideous together.

The audacity to kiss him in front of me? Kahit pa sabihing sa pisngi lang 'yon. I've been trying to prolong my patience for them, that's why I'm not saying anything else.

Ang dalas pa nilang magkasama. Ferish is also getting into my nerves. Kapag naman nainis ako sa kan'ya ay para siyang naglalambing na yayakap sa akin, tatabihan ako, saka magbibigay ng kung anong pinagkakaabalahan niya, kaya hindi na ako maiinis kapag gano'n. This is so frustrating. Hindi ko alam kung maiinis ako o hindi.

Tinignan ko siya at nakitang inubos 'yung juice na iniinom ko. Binaba niya ang baso sa may mini table at nag-indian sit sa tabi ko.

"Si Zeri lang 'yon, Eight."

"He's so clingy." Pinaningkitan ko siya ng mga mata kaya napatitig siya sa kung saan.

"Paano pa kaya kapag si Aeri..."

She whispered something that I didn't understand. "What?"

"W-Wala, Eight." She forced herself to smile. She's always so suspicious.

"Nga pala, nasa'n na 'yung jacket ko?" She asked with an innocent tone. Naalala ko kung anong tinutukoy niya. 'Yon 'yung pinahiram niya sa akin nung niligtas niya ako sa kaibigan ni Matthew.

"Nasa'kin."

"Akin na." Nilahad niya ang kamay at bahagyang ngumiti.

I raised an eyebrow and shook my head. "Nope. Akin na 'yon. I'll buy one for you." I took the remote and turned on the TV. Naglipat ako ng channel at nilagay sa may series na Stranger Things.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now