Chapter 30

14.8K 662 216
                                    

FERISH

PAGOD NA AKO.

I yawned, feeling sleepy. Tamad na tamad na naglakad ako patungong dining area at pabagsak na naupo sa isa sa mga upuan. "Morning, Eight." Inaantok na bati ko at yumuko sa lamesa para makaidlip pa.

Naabutan ko siyang nagluluto at ang bango ng amoy, pero para naman akong masusuka. Ilang araw na akong puyat dahil ang hirap pagsabayin ng part-time job at studies. Ang dami masyadong ginagawa na halos wala ng pahinga.

Malapit na talaga akong kunin ng dilim. Ang hirap sabihing liwanag ang kukuha dahil ang layo sa personality ko.

Ilang beses na akong inaalok ni Eight na siya ang gumastos para sa akin, pero tinatanggihan ko dahil hindi niya naman kailangan gawin iyon.

Pakiramdam ko nga ay siya ang gumagastos sa iba kong bayarin pero hindi lang nagsasabi, dahil may mga pagkakataon na wala na akong kailangan na bayaran.

"Good morning." Ramdam ko na may nilapag siya sa lamesa at hinaplos ako sa likod. "Sleepy?"

I nodded my head. Sinilip ko siya at nakita siyang nag-aalala ang mga mata na nakatitig sa akin. Inabutan niya ako ng maligamgam na gatas kaya kinuha ko para uminom. Ang alam ko talaga ay sanay si Eight na siya ang inaasikaso, pero kabaliktaran naman ang nangyayari ngayon.

"I told you to stop working. I can support you."

"Eight, hindi mo 'ko responsibility." I yawned again. Halos umikot na ang paningin ko dahil sa hilo. Nilagyan niya ako ng sinangag sa plato pero umiling ako. "Ayoko kumain. Wala akong gana."

Ang bango ng niluto niya. Fried eggs, bacon, hotdog, and toasted bread na may palamang butter. Sanay din siya sa black coffee na favorite niya yata sa umaga.

"Nope. Kakain ka. Hindi ka na nga natutulog nang maayos, tapos hindi ka pa kakain. Stop abusing yourself, will you?" Sermon niya sa akin at naupo sa tabi ko. "Ayos ka na ng upo."

Nakasimangot na umayos ako ng upo at natigilan nang makita ang ginagawa niya. She's trying to feed me. Nagulat ako nang bigla niya akong subuan kaya wala akong nagawa kundi ang kainin.

"How's the taste?" Malambing na tanong niya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakakita o talagang malambing siya. She wiped the side of my lips.

"M-Masarap." Nahihiyang sambit ko. "Ako na d'yan, kain ka na rin."

Why do I feel like a kid? Mukhang wala lang naman sa kan'ya ang ginagawa pero sa akin ay big deal. Kinuha ko na ang kutsara sa kan'ya kaya kumain na rin siya.

"GOOD MORNING, PEOPLE!"

Napangiwi ako nang may sumigaw na malakas ang boses. Nang silipin ko ay nakita ko si Lexi na humahagikgik nang makapasok sa dining area. "OMG, ang bango ng amoy. Makikikain ako."

Walang habas na nagsandok si Lexi ng niluto ni Eight at naupo sa unahan namin. Sinandukan niya rin si Victori at kumain sa harapan namin ni Eight na parang gutom talaga.

"Lexi, ang ingay mo." Saway sa kan'ya ni Eight.

"Gutom lang." Depensa niya. "Sarap."

"Bakit puyat na puyat naman si Ferish?" Tanong niya pa at sumubo sa kinakain.

Sukat doon ay ngumisi si Victori nang akmang ako ang sasagot. "Pinagod ni Octavia."

Lexi gasped in shock. Nagtaka ako dahil bakit ako pinagod ni Eight? Hindi naman ako sa kan'ya napagod. "Tori!"

"OMG, may ganap---" Binulungan ni Victori si Lexi kaya natahimik ito pero... pero mapaghinala ang mga titig na binigay sa amin.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now