Chapter 31

14.4K 657 299
                                    

OCTAVIA

"B-BEHAVE AKO, Eight. Promise." Salubong sa akin ni Ferish nang matapos ang practice, pero tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi siya binati. I'm still pissed with what I saw earlier.

They are so unsightly that I want to erase that woman's existence. The woman had the audacity to flirt with Ferish, with someone I... want. Tsh. Very good that she seems to be aware that I don't have much patience in my body.

"Do you have work tonight? Sa coffee shop?" I asked while she's walking beside me. Panay ang tingin niya sa kung saan-saan na parang ang daming nararamdaman.

"Wala po. Magpahinga raw ako."

Sinulyapan ko siya na naglalakad sa tabi ko pero para siyang tumatakbo kaya binagalan ko ang paglalakad. Seriously. Para siyang maamong bata na sumusunod sa mga gusto ko kaya hinawakan ko siya sa ulo at hinaplos 'yon.

Hindi naman malala 'yung sinapit ng babae kanina. I don't know. Sila ang pinapunta ko sa clinic kanina. It's nice to hit the target once in a while. I should do it again.

Nakarating kami sa dorm nang tahimik siya, kaya umakyat na ako sa kwarto para makaligo. I stripped off and went to the shower to wash myself. I finally felt relieved after a long day of study and class. May OJT na naman kami. Ugh.

Habang naliligo ako napahawak ako sa bandang dibdib at tumingin sa salamin na katapat ko. I saw it again. I didn't even know where it came from. Tinapos ko na ang pagligo, at nang makapagbihis ay bumaba ako at naabutan ko si Ferish na nakadapa sa sofa at nagbabasa ng... anime? From a book?

"What's that?" I asked. Naupo ako sa gilid niya kaya tumihaya siya at pinakita ang binabasa.

"Manga, Eight. Jujutsu Kaisen." She smiled ecstatically, her eyes sparkled with excitement. "Ang astig ni Maki. Ang ganda pa."

"Yeah." I nodded my head even if I'm uncertain because I didn't know that character. "Anong gusto mong dinner? Magluluto ako."

"Mamaya na, Eight. Kwentuhan tayo, dali." Pangungulit niya at nilapag sa mini table ang binabasa, pero nanatiling nakahiga. Inayos niya ang suot na salamin at napaisip.

Ngayon ko lang napansin na nakaligo na pala siya. I can smell her sweet fragrant scent that is... addicting. I so love her smell because it is both nostalgic and comforting. Her warmth feels like an embrace of endless darkness, yet I found it lovely in my skin.

"What are we gonna talk about?" I crossed my legs and fixed my hair.

"Ikaw. I wanna know you. Bihira ka magsabi about sa sarili mo, eh. Konti lang alam ko." Kinuha ko ang unan at binigay sa kan'ya para ilagay sa likod ng ulo niya.

Tumaas ang isang kilay ko. "Anong alam mo?"

She giggled like an excited kid before speaking. "You prefer vegetables than fruits, but you love honeydew. Mas prefer mo rin ang magsuot ng dress, light blue in particular, though lahat naman ng kulay ay bagay sa'yo. Gusto mo ang shade ng red sa lipstick mo para mas powerful ang dating sa'yo. You dislike Math but you love English and History. You love science-fiction, and you prefer the night over morning kasi mas tahimik at comforting. You love a slow tone of music rather than a rock one. You even love Spongebob. Favorite cartoon mo siya." Walang preno na pagsasalita niya at kahit na nagulat ako ay hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko. "Tapos---"

"Ferish." Pagpapatigil ko sa kan'ya at kinabahan. I felt my heart beating fast.

To be valued and to be known... to know each part of me.

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now