Chapter 47

16.1K 704 264
                                    

WARNING: This chapter contains Violence/Brutality that is not suitable for everyone, and may be found disturbing. Please proceed with caution.

Read at your own risk.

_____

FERISH

“EIGHT, KUMAKAIN ka ba ng street foods?” I randomly asked her when we arrived. Nagpunta kami malapit lang sa bahay na tinutuluyan ko bago pa kami gumamit ng dorm.

Tapat lang naman siya ng park para makagala na rin si Eight at makalabas kahit papaano. Buti nga rin at sinamahan niya akong maligo sa ulan kanina kaya na-enjoy ko ‘yung oras kasama siya. It feels nice to bathe in the rain for once in a while. I was able to see her happy as well.

Nilingon ko siya at inalalayan na makababa sa motor. Pinagsuot ko siya ng komportableng damit para hindi siya mahirapan sa pagsakay ng motor. May araw na rin naman kaya pwede na kaming makagala. Tiningala ko ang langit at nakitang makulimlim sa isang bahagi, pero may araw na sa pwesto namin.

The obscure light of the sun illuminates those enchanting green eyes, carefully showing its undeniable beauty to captivate anyone who gazes upon it. Naging mabagal sa paningin ko ang pagbaba niya ng motor dahil masuyo ang bawat galaw niya.

Tumayo siya sa harapan ko at inayos ang blonde niyang buhok kaya napahinga ako nang malalim sa pagkamangha. What beauty. She’s really incomparable. I’ve never saw someone as beautiful and amazing as her.

“Hey.” Tawag pansin niya sa akin kaya natauhan ako.

“H-Ha?” Natatarantang tanong ko at umayos, pero narinig ko lang siya na mahinang natawa. Pakiramdam ko ay hindi ko maayos ang sarili kapag gan'yan siya.

She gently caressed my hair and the warmth of her hand reached the deepest parts of me. “You’re so adorable, mia carissima.” She leaned herself in front of me and smiled. Buhay na buhay ang kulay ng berde niyang mga mata. “Relax, hmm?” Malambing na sambit niya at wala sa sariling tumango ako habang nakatitig sa mga mata niyang nakakalunod.

“Street food nga, Eight. Kumakain ka ba?”

Proud siyang ngumiti sa akin kaya nag-expect ako na sasagot siya ng o--- “Hindi.”

Napangiwi ako sa isipan sa narinig at napakamot na lang sa ulo. Bakit ang ganda naman ng ngiti niya kung hindi pa pala? Si Eight talaga minsan ay may ginagawang bagay na hindi ko rin maintidihan, tapos ako 'tong sasabihan niya ng weird.

“Kakain tayo.” Aya ko sa kan’ya at hinatak siya sa madalas kong bilhan nung dito pa ako tumutuloy. “Gutom ka ba, Eight?”

“Kind of. I didn’t have some meryenda. So, where’s the place?” She asked with a small smile. “Is this a date?” She teased.

“Date?” Tanong ko at kumapit sa braso niya dahil ang daming tao na nakatingin sa amin. “Depende kung papayag ka sa hindi expensive na date. Okay lang ba, or gusto mo somewhere else?” May dala naman akong pera kaya pwede ko siyang dalhin kung saan niya man gusto.

“No, baby.” Malambing na tugon niya kaya nakaramdam na naman ako ng panghihina. What's with the soft tone? “You can actually spend none with me. I can pay for us.”

“Hindi, Eight.” I shook my head. Tumingala ako sa kan’ya at seryoso siyang tinignan. “Hindi naman porque kaya mo ay ikaw na lagi ang gagawa. Kaya ko rin naman.” I heaved a deep sigh. “Dali, saan mo gusto?”

Ablaze |Season 1|Where stories live. Discover now