Hindi dapat. I shouldn't feel this feeling. Ayoko dahil alam kong hindi pa dapat... Wala pa sa tamang panahon. Oo nga't nasa tamang tao ako pero hindi sa tamang panahon.
I know once I've fondled this feeling I'll end up disappointing my family... myself as well. My principles are just meant nothing... Para saan pa ang mga salitang binuo ko kung hindi ko naman ito mapanindigan.
Sticking to my plan is the best thing to follow even if my heart opposes it. I'll let my brain wins... in the meantime.
"You're silent. What's the matter?" I pulled my reverie back. Kanina pa pala dumating ang order namin. "Wala, gutom lang ako." Kita ko na hindi siya kumbinsido kaya nginitian ko siya. Before start eating, I thank Him and the man who brings catastrophe to my entire system.
Tahimik lang kami habang kumakain pero minsan ay nagtatanong siya kung kamusta ang araw ko. Sumasagot naman kahit tipid. I know he's not stupid. He can sense what I am doing but he's still keeping his cool.
"Ikaw? How's your day?" he stops eating for a while. Sinalinan niya ng wine ang basong wala ng laman. "It's... tiring but I am energized the moment I see you." Natulala ako sa narinig at napansin niya 'yon.
I want to cry pero para saan? Para saan ang mga luha ko? Iba ang sinasabi ng puso...
I closed my eyes hoping it will be okay because I'm so confused. Ang gulo. Ang gulo gulo ko!
"Iver..."
"It's okay. I'm not rushing you," he sipped his wine and tilted down his head a little. Hindi siya makatingin sa akin. Sa malayo siya nakatingin at tila malalim ang iniisip. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita...
"I'm sorry," he smiled but his eyes say otherwise. "Just please... don't stop me. Allow me to do the things I want to do with you,"
I bit my lips hard. "Eat more,"
Kahit na nawalan na ako ng gana ay kumain pa rin ako. Ayoko naman na masayang ang effort niya sa gabi ito. Hanggang sa matapos kami ay wala ni isa sa amin ang nagsalita.
He calls the waiter and pays the bill. "Let's go," Tumango ako at nagpasalamat uli. "Where do you want me to take you?" he asks while we're heading to the parking area.
"Uwi na. Baka pagod ka na rin," tipid ko siyang binalingan. Akala ko pa naman masaya ang gabi 'to pero sinira ko.
"Alright."
Kanina pa ako nakatulala habang nakahiga sa kama. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari... Dahil sa katotohanang pilit kong ipinagsasawalang-bahala... Because I'm a coward. Ang hirap... nahihirapan ko.
Ayoko ko siyang masaktan... pero nagawa ko na. At ang bigat sa loob. Hindi lang siya ang masasaktan ko...
Tanghali na ako nagising dahil madaling-araw na akong tinamaan ng antok. My class starts at 4 pm and ends at 8. It's already 12 noon. May lalabhan pa ako at magha-handa pa para mamaya. Buti nalang at natawag na ako nong nakaraan sa dalawang subject ko ngayong Byernes.
"Why so lethargic? May problema ka ba?" Kakatapos lang ng klase namin para sa araw na 'to. Usual na meeting... pero mas maraming na namang nasigawan.
"Wala 'to," I retorted while fixing my things. "Tara na," Hinila ko na siya para wala ng dagdag tanong. Umungot siya pero sa huli wala ng nagawa.
"I am certain you have something in mind." Natigil ako sa pagsubo. Nakakatakot pala 'tong tumingin lalo na kapag alam niyang nagsisinungaling ang isang tao. "Tell me, what is it?"
"Miss ko lang sina Mama..." I don't want to lie but I have to... Totoo namang miss ko na sila pero iba ang dahilan ng pagiging matamlay ko.
Mukhang naniwala naman siya. "Don't worry malapit na exam, for sure uuwi ka..."
"Exam na sa Lunes kaya magwo-worry talaga," ani ko habang pinagmamasdan siyang tumatawa. Parang walang problema ang isang 'to sa buhay. Finals na kaya!
"Oh shit! Naaalala ko tuloy! I'm so stressed na!" Sumimangot na siya at tuloy tuloy sa pagre-reklamo. "Like we're on our 2nd-year pero pinapatay na tayo sa pagod! Sa stress and what-not! Why am I here anyway?"
"Kaya natin 'to... it's our dream, remember?" she pouted like a kid. "If we want something, we have to endure the possibilities of being caught in every struggle. Kasi lahat ng gusto natin sa buhay lahat 'yon dapat nating pagsikapan." as I continued. "Ang dapat na ni-la-lang natin ay ang problema," lumaki ang ngiti niya at niyakap ako kahit na nahihirapan dahil sa pagitan namin.
"You hit the point! What a fascinating message you have! I need that actually kasi it feels like I'm giving up... Thank you!" Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. Those words suddenly come out of my mouth.
"You're welcome,"
Pagkatapos naming kumain, we decided to go home dahil malapit na mag-alas dose. Magpapahinga muna ako ngayong gabi at bukas na bukas ay magsisimula na ulit akong mag-review.
Nang makarating na kami sa tinutuluyan ko ay nagpaalam na ako. Bumusina siya bilang paalam saka tuluyang nawala.
"Oy! Ba't ngayon ka lang, ganda?" tanong ni Kuya Ed-- na guard. "Po? Ah, kumain po kasi ako sa labas kasama ang kaibigan ko."
"Aba'y sana sinabi mo sa boyprend mo, kanina pa naghintay sayo. Umalis na tuloy." I stilled. Isa lang naman ang kilala ni Kuya na boyfriend ko na hindi naman talaga. Anong ginagawa niya dito? Ilang oras ba siya nag-antay? Hindi naman siya nag-text o tumawag...
"Anong oras po siya dito?" Sumulyap si Kuya sa relo niya bago sumagot. "Siguro'y mga alas otso tas umalis bandang alas onse." Nahirapan akong lumunok sa narinig. Parang pinipiga ang puso ko... Antagal ko siyang pinag-antay!
"Sige po, salamat."
Dali dali ko naman siyang tinawagan ng walang pag-aalinlangan pagkapasok ko. Ilang ring na pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. I tried texting him but he didn't reply. After my third attempt saka niya lang nasagot ang tawag.
"H-ello..." as I started. Halata sa boses ko ang kaba. Dinaig pa ata ang recitation ko sa klase. "Iver..." he didn't answer but I hear loud music. Nasa bar ba siya?
Lumipas ang isang minuto pero hindi pa rin siya nagsasalita. I felt bad kasi alam ko naman ang dahilan. "I'm sorry... magsalita ka naman, please?" he sighed. "Please?"
"Sebastian Ivershon Cantejas, please? Can you talk?" Malapit nang tumulo ang luha ko. Habang tumatagal mas lalong hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Mas... mas lalong lumalalim. "Are you crying?"
Bumilis ang tibok ng puso ko nang sumagot siya sa kabilang linya. Akala ko... "H-indi! Ba't mo naman nasabi?"
"Tss, halata naman sa boses mo. Kabisado ko na lahat sayo." Tears continuously cascading through my cheeks.
"Where are you? Gabi na ah?" I asked while wiping the tears away. Kung hindi ko pa tinakpan ang hawak na cellphone paniguradong maririnig niya ang hikbi ko. "Answer me first," he paused. "Truthfully, why are you crying?" Bakit nga ba? "Tell me,"
"Stop confusing my feelings, please..." he whispered. I'm so sorry Iver... I want to but this is not the right time for us.
I like you... but I am choosing my dreams.