Tinulak ko siya nang malakas kahit nahihirapan. Nagtagumpay naman ako at nakawala sa yakap niya.
I thought he'll be mad but when I look at him... he's grinning mad. Kung hindi ko lang siya kilala malamang kanina ko pa siya napalo.
"Ginagawa mo?" he didn't answer. He flipped my hair and smelled it afterward.
I can smell his sent... and the alcohol. He's probably drunk. Namumungay na ang mga mata niya sa kalasingan. Nagkatitigan kami saglit.
"Sino 'yan Lou?" agrisibong tanong ni Jaro. I pushed Iver and distance myself.
"Boy friend niya," Sagot ni Iver kahit hindi naman siya ang tinatanong. Suddenly, Jaro stands up and it makes the table shaken. Nahulog pa ang iba bote. Nagulat kami ni Ate Ja sa biglaang nangyari.
But the man beside me giggled.
"Ano?! Totoo ba, Lou?"
"Yes,"
"Hindi ikaw ang tinatanong ko pare." Iver snorted and shrugged. Tila naaaliw pa siya sa nangyayari. Pinalo ko siya at lumayo para tulungan si Ate Ja na pulutin ang mga nahulog.
"Lou!"
"Lou!" sabay nilang sigaw. Napakamot ako sa noo. Narinig ko namang tumawa si Ate Ja sa tabi. I pouted at her.
"Ganda mo," Lumapit siya at bumulong sa tenga ko. "Ate Ja naman!"
"May tanong ako..." I nod. "Sino ang pipiliin mo sa kanila?" Bigla kong nabitawan ang hawak kaya biglang napatingin ang dalawang lalaki. Iritadong mukha ang nakita ko kay Jaro samantalang nakangisi naman ang isang lasing.
"Ate... wala. Pag-aaral muna." seryoso kong sabi.
Gusto ko pa sanang magpaliwanag pero tingin ko naman naintindihan na niya kung bakit. She smiled at bumalik sa pagkaka-upo.
Binalingan ko naman ngayon ang dalawa. Hinihiling ko na sana may dumating para kuhanin ang isa sa kanila dahil kanina pa sila nagsusuntukan ng tingin.
"Jaro, upo ka muna." he didn't listen. I drag him to his seat. Aangal pa sana kaso napansin ata niyang seryoso ako.
"Tss. How about me, baby?" I gather my strength first. Sumasakit ang ulo ko sa isang 'to. Napaka-feeling close talaga nito. Kakakilala pa nga lang namin.
"Umalis ka na."
Nagulat siya sa narinig. He didn't expect it from me. He blinked and cleared his throat. May tumikhim din sa gilid pero hindi ko pinansin.
"Sebastian, dude! We've been looking for you! Nandyan ka lang pala." A man showed up suddenly and called Iver. Madilim ang pwesto niya kaya hindi ko masyadong naaninag ang hitsura. Pero pamilyar ang boses.
Iver's still looking at me seriously. His drunken state is nowhere to be found. Ang kaninang namumungay na mga mata ngayo'y nandidilim nang nakatingin sa akin.
I didn't feel anything while looking back now.
"Dude! What's the matter-" The man stopped talking when he noticed me. I can see his face now even when the lights are a bit dim.
I remembered now. He's the man at the church! I forgot his name but I can still remember his face. And the little girl selling sampaguita. I admit I'm not good at names but I can clearly remember events.
"Oh- wow! Hi Lourei! We meet again," he greeted. He still remembers me. I feel bad because I can't even recall his name.
Nag-aalanganin pa ako kung babatiin ko ba siya pabalik o ngingiti nalang. In the end, I chose the former. "U-hh... hello,"
"Leon... that's my name in case you forgot." I chuckled awkwardly.
"What are you doing here?"
"Looking for you... kanina ka pa wala." Tango ang natanggap ni Leon sa kausap. "Balik na 'ko dude, bye Lourei and friends."
Aalis na sana siya kaso tumayo si Iver at lumapit sa kausap. "Let's go." He said coldly and walks straightly not minding us.
Naguluhan man ay sumunod parin si Leon at kumaway sa amin.
Napabuntong-hininga ako. That's right Lourei. You did the right thing.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." ani ni Jaro. Sinaway naman siya ni Ate Ja pero hindi siya nagpatinag.
"Lou, boyfriend mo ba 'yun?" nairita ako. Hindi niya ata nakuha kanina. O baka naman 'yun talaga ang pagkakaintindi niya.
"Hiwalay 'yon Jaro." Napa-inom si Ate Ja at umiling sa lalaki.
"Ha?"
"Jaro, makinig kang mabuti. Magkaiba ang magkaibigan sa magka-ibigan." Ate Ja explained for me. She understands the word.
"Ibig sabihin-?" pinutol ko na siya. "Oo. Magkaibigan lang kami."
Tumikhim siya at tumango-tango. His aura changed now. Tila nabunutan ng tinik.
Pagkatapos kong magpaalam sa dalawa tinawagan ko na sina Mama para kumustahin. It's already past twelve. Buti nalang at maaga kaming umuwi. Ate Ja insisted to do so.
Wala akong natanggap na reply. I decided to sleep instead of waiting. Tulog na panigurado dahil anong oras na naman ba.
Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ako makatulog. Paikot- ikot na ako sa kama. Naisip ko bigla si Iver at ang nangyari kanina. His cold voice keeps on ringing. At ang biglaan niyang pag-alis. He didn't even say goodbye.
Nagui-guilty ako. Kung bakit kasi nasabi 'yun sa kanya! Ang harsh ko ata kanina. Dapat pala nagpaliwanag ako o kaya humingi ng tawad. Kaibigan ko na siya at dapat na tratuhin ko siya ng maayos tulad kina Jaro. Pero teka, ano naman ngayon? Nakakainis siya, eh!
Baby nang baby! Hindi naman niya ako baby!
Ayokong masira ang pagkakaibigan namin kaya kapag nagkita kami, hihingi ako ng tawad. Masyado rin kasi akong seryoso kaya marahil hindi ko gets kung joke lang ba 'yon o hindi. Pero sana hindi siya seryoso kasi kapag oo, kailangan ko siyang iwasan.
Before deciding to study here, I promised myself to stay focused. I do not want to have a romantic relationship while I am still studying. I needed to achieve my goals first. Kailangan kong makapagtapos nang walang iniisip na iba kundi ang pamilya at pag-aaral lang.
Matanda na si Mama at bata pa ang kapatid ko. Ayoko silang bigyan ng problema. Alam ko na may tiwala sila sa akin at hindi ko iyon babaliin. Ako mismo ang gumawa ng pangako'ng 'yon kaya dapat lang na tuparin ko ito.
Isa pa, hindi pa ako handang umibig. Ayokong pumasok sa relasyong wala pa akong napapatunayan sa sarili. Iba ang prinsipyo ko at iyon ang totoo. I do not want to enter a relationship when I feel lonely, I want to enter when I am ready and with that, I give all my all.
For now, I will fully commit myself to study. I hope someone will understand. I hope they will understand. If someone will court me, they can but they need to wait for my approval. Dito ko rin malalaman kung seryoso ba sila o sa una lang magaling.
Well, this is me and my decision in life.