5

48 0 0
                                    

Maaga akong gumising kahit kulang ako sa tulog kagabi. Iniisip ko kasi kung anong maling ginawa ko kay Jaro.


Kaya ngayon, buo na ang desisyon kong kausapin siya dahil kapag hindi kami nagkaayos hindi ako mapapalagay.


Gusto kong malaman kung bakit bigla bigla nalang siyang umiiwas sa 'kin. Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming problema. I remembered talking nicely to him.


Naghanda muna ako ng almusal bago maligo. Habang hinihintay kong maluto 'yung kanin, inilista ko muna ang mga dapat kong bibilhin sa pasukan. Sinama ko na rin 'yung mga kailangan ko sa pang-araw araw.


Nakabudget naman na lahat dahil isa 'yun sa bilin ni Mama. Bawal akong gumastos kung hindi naman daw importante. Aksaya sa pera. I agreed.


Matapos kong gawin lahat ang dapat, pumasok na ako sa trabaho kahit na maaga pa.


Hindi naman problema kung maaga kami sa pagpasok sa trabaho dahil may kanya kanya kaming susi. Kaya kung sino man ang mauuna, siya ang magbubukas. Di nga ako makapaniwala nung una. Sino ba naman kasing boss ang magbibigay ng susi sa mga trabahante niya? Kaya nakapagtataka rin minsan si boss. Ipinaliwanag naman niya kung bakit. At doon naman ako napahanga sa kanya dahil may tiwala siya sa amin.


We trusted him and he trusted us too. Isa pa, dagdag sweldo rin.


Nadismaya ako dahil pagkarating ko, may nagbukas na pala. Sayang. Pero tama lang din ang dating ko dahil mas nauna pala si Jaro sa 'kin at paniguradong makakausap ko siya.


"Jaro!" Bumaling siya sa 'kin saglit bago nagpatuloy sa ginagawa. Ni hindi man lang ako binati pabalik. Ang sungit.


Lumapit ako sa kanya dahil nagsisimula na akong mainis.


"Hoy famous kaba?! Ba't di ka namamansin?" nagulat ako dahil bigla siyang tumawa. Nameywang ako at tinaasan siya ng kilay.


"Ang epic kasi ng hitsura mo. Nagmukha kang nanay ko." I flipped my hair.


"Ang ganon?!" Hinatak ko siya palapit saka hinawakan sa buhok para sabunotan.


At tawang-tawa siya kahit sinasaktan na.


"Tama na! Masakit na," binitawan ko siya "mapanakit ka pala pero ayos lang." sumimangot ako sa narinig.


"Ba't kasi di ka namamansin? Galit ka ba sa 'kin?"


"Wala lang yun. Hayaan mo na." umiwas siya ng tingin. "Hindi ako galit sayo."


"Sigurado ka? Wala kang hinanakit?"


"Wala nga." tumango ako kahit hindi kumbensido. Tinitigan ko siya ng maigi at nagbuntong hininga.


Nagpatuloy ang araw ko sa trabaho. Namamansin na rin sa 'kin si Jaro pero minsan napapansin kong natatahimik siya at malalim ang iniisip.


"Lou, malapit na pala magpasukan. Ano balak mo? Magpapatuloy ka pa ba dito?" Si Moika na ngayo'y nagpupunas ng lamesa tulad ko.


Ang totoo nyan gusto ko sanang magtrabaho pa kaso baka magalit si Mama kapag nagpatuloy ako. Nangako pa naman ako sa kanya na titigil na kapag balik skwela na.


"Gusto ko pa sana kaso magagalit si Mama baka mamaya pauwiin ako non kaya titigil na muna ako." ngumiti ako sa kanya.


"Sayang naman pala, pero dadalaw ka, ah."


"Oo naman, kapag may oras. Malapit naman yun dito."


"Sa UST ka diba?"


"Ah, oo."


Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon