Pagkatapos maghugas ni Sebastian ng mga pinggan nagkwentuhan muna kami saglit. Kung ano-anong bagay ang nagpag-usapan namin. I asked him about his life but in return, he'll also ask questions mine too. Pumayag ako sa kondisyon gaya niya.
I tell him about my life in the province and he said he wanted to visit my place and meet my family. I asked him why but he only sneered. I also tell him about my job.
Marami akong nalaman tungkol sa kanyang pamilya. He has one sibling and he's the youngest child. Both of his parents live separately but he said they are in a good relationship. His father lives in America for quite some time now while his mother stays in Quezon City. Though I didn't ask why his parents both separated he still shared it with me.
I also want to ask about his own personal life but I refused to. Hindi rin naman siya nagtanong tungkol sa personal kong buhay. Patas lang kumbaga. We only talked about our families and other things but only that. It goes nothing more.
I only knew his name and his age. And of course his family. The same thing as mine.
"I gotta go," he waved his hand and drove off. Hindi namin namalayan ang oras kaya ginabi na siya. Pumasok na rin ako sa loob.
"Oy, tagal natapos, ah!" Malisyosong sabi ni Kuya Guard.
"Kuya Guard talaga napaka-tsismoso. Tinulungan lang ako non,"
"Maniwala, anong tulong naman? Sus! Deny pa more. Sino ba yun manliligaw mo o boyfriend na?" he's smiling brightly. I pouted.
"Kuya talaga, kaibigan ko lang po 'yon! Tsaka malabo po yang sinasabi niyo, may girlfriend na po ata," I waved him goodbye.
"Pustahan magiging boyfriend mo 'yon!" he shouted. Umiling ako at kumaripas ng takbo dahil sa kahihiyan. Buti nalang talaga at nakaalis na si Sebastian dahil kung hindi dobleng kahihiyan ang makukuha ko sa gabing 'to.
Sa totoo lang, kanina... habang nag-uusap, masasabi kong masarap siyang kausap pero minsan nayayabangan ako dahil paulit-ulit niyang sinasabi sa akin kung gaano siya ka-gwapo. Tumango nalang ako sa kayabangan niya.
Unti-unti ko na ring nakakalimutan yung paghalik niya sa akin. Nakakainis lang dahil first kiss ko pa naman yun! But I need to forget it even though it's a big deal for me. Ayoko nang maraming iniisip. It was just an accident... I think.
Ayokong bigyan ng kahulugan ang paghalik niya sa 'kin. Pumunta ako rito para mag-aral at kung pagtutuunan ko ng pansin yun mababali ang pangako ko sa sarili at sa pamilya ko.
Magkaibigan lang kami at 'yan ang itatatak ko. Walang iba.
Naglinis ako ng katawan pagkatapos. It's already 11 in the evening and I still have work tomorrow. My last week working with them.
Bago tuluyang makatulog kinamusta ko muna sina Mama sa text. Ilang minuto ang nakalipas bago tumunog ang cellphone ko. I thought it was from my mother but I got Sebastian text instead. We exchanged our numbers a while ago and I don't know why I gave it to him. I mentally slapped myself.
Sebastian Ivershon:
I'm home!Re-replayan ko na sana kaso nagtext ulit siya. Napatitig ako sa pangalang nakalagay.
Sebastian Ivershon:
Are you sleeping? You should sleep already, it's late. You have work tomorrow.To Sebastian Ivershon:
Matutulog pa lang. Goodnight.