"Mag-iingat ka palagi anak... 'Wag mo sanang pababayaan ang sarili mo roon." Umiiyak na sabi ni Mama habang hawak hawak ako sa balikat.
Panay iyakan ang naririnig sa bahay. Akala mo may lamay na nagaganap.
"Syempre naman Ma... Tsaka wag niyo na po akong alalahanin baka nga sila pa ang matakot sa akin." Biro ko dahil kanina pa tumutulo ang luha niya.
Ang sakit lang makita na umiiyak ang mahal mo sa buhay, ang bigat kaya sa loob.
"Ikaw talagang bata ka! Basta tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo. Kung may problema ka nandito lang kami."
"Salamat Ma... pero text text nalang kasi malayo kayo o di kaya tawag o di kaya video call kaso baka aakyat ka pang bubong Ma wala pa namang signal na matino rito baka mapagkamalan kang magnanakaw ng kapitbahay mahirap na." Hagikhik ko para naman gumaan kahit papaano ang loob niya.
"Pilya ka talagang bata ka!" Sabay palo sa braso ko.
Napasigaw ako sa sakit. Aalis na nga lang mananakit pa.
Ang gandang pabaon naman.
"Seryosong usapan kasi Lourei!" Lumalabas na buhok ni Mama sa ilong.
I chuckled more.
"Galit kana niyan Ma?" Narinig kong may tumawa sa gilid kaya napalingon ako.
"Saya saya niyo dyan ah. Mga tsismosong bata 'to!" Mas lalong nagsitawanan ang tatlo pati narin si Mama.
"Si Ate aalis na nga nagk-kill joy pa mabilis kang tatanda niyan sige ka." Nilakihan ko siya ng mata kaso parang wala lang sa kanya.
Naiiyak na siya kakatawa. Kabagin ka sana.
Ito ang isa sa mahirap na iwan dito. Yung mga biruan namin. Sama narin yung rambolan naming magkapatid.
"Aba't! Ikaw umayos ka dyan!"
"Tama na nga yan. Sige na anak... baka mahuli kapa sa byahe. Mag-iingat palagi Lourei, anak."
"Oo naman po. Llara, wag mong pababayaan si Mama dito at bawal ka pang magkaboyfriend. Dapat mauna muna ako..."
My mother pinched me this time. Mapanakit talaga.
"Hoy pinagsasabi mo dyan bawal ka ring magkaboyfriend doon no! Mama si Ate oh!" Sumbong niya kay Mama na halata sa pagpipigil ng tawa.
Alam naman kasi ni Mama na hindi pagbo-boyfriend ang hanap ko. Pag-aaral. At isa pa, wala akong balak sa mga ganyan. Saka na siguro kapag may trabaho na ako at mapatapos ko 'tong kutong-lupang kapatid ko.
Hindi rin naman ako nagmamadali sa lovelife lovelife na yan. Ang importante dumating kahit matagal, makapaghihintay naman ako.
True love waits. Isa sa paniniwala ko.
"Kapag nabalitaan kong mayboyfriend kana dito uuwi talaga ako. Pa-palipad kita sa pluto kita mo." ani ko.
"Sus di naman mabiro si Ate. Takot ko lang sa pluto ay este sayo. Pero mamimiss po kita, wala na akong karambolan dito sa bahay di naman pwede si Mama alam mo nama- aray Ma!" Napahiyaw din siya tulad ko dahil sa hampas ni Mama.
"Mapanakit ka Ma, sumbong kita sa DSWD."
"Puro talaga kayo kapilyahang dalawa. Malay ko ba san kayo nagmana at hindi naman ako ganyan!" Nagtinginan kaming magkapatid.