"A-h, guys..."
Napalingon kami ni Iver sa nagsalita. Kahit may kadiliman kita ko ang naguguluhang ekspresyon ni Keyla. Nakaakbay pa rin si Iver sa akin hanggang ngayon. Inalis ko ang kamay niya at lumapit kay Keyla. Ngumiti ako.
"Pasok na tayo," ani ko. Nauna na ako sa kanila pagpasok. Hindi agad sila sumunod at tingin mag-uusap pa ata. Hindi ko na rin sila nilingon at deritso na ang tingin.
Nasa harap na si Leon at Brooke ngayon. They're singing together with the band. Umusbong ang tawanan nang pumiyok si Leon habang kumakanta. Hinampas siya ni Brooke kahit natatawa. I giggled while looking. Hindi maipagkakailang may talent si Brooke sa pagkanta. She's very talented at singing.
How I wish I could have that kind of angelic voice though. Kaso wala talaga... wala akong talent pagdating sa ganyang larangan.
"Thank you..." she said to the crowd. Everybody clapped their hands and I even heard whistles.
Mabilis ang sumunod na nangyari at ngayo'y kasama ko na si Keyla sa loob ng sasakyan niya. Tinupad niya ang usapan na ihahatid ako. Kanina pa siya tahimik pero nakakausap naman kapag tinatanong. Panay buntong-hininga rin siya. I asked her earlier but she said she's fine. Maybe I know the reason why but I think I need to stop it from thinking.
"Keyla..." ani ko. Lumingon siya sandali at ibinalik din ang tingin sa dati.
"Yeah?" she said in a tired voice. "Ayos ka lang ba talaga?" I asked once again. Nanatili siyang tahimik nang ilang segundo bago sumagot. "Silly... of course, don't worry about me. I'm totally fine."
"Sana pala hindi na ako nagpahatid sayo..." I played my fingers.
"And why is that?" she maneuvered the steering wheel after the red light. "Baka kasi pagod ka na," I noticed how she smiled.
"Gosh! It's freaking fine! I'm not that tired... physically," she breathes harshly. "I can... I mean it's nothing. This is nothing... hopefully, I am strong." She said with full of courage but her eyes tell the other side.
"Sigurado ka?" tumango siya at seryosong nagmaneho. I shut my mouth as well.
"Here you go," she said broking the silence. Ipi-nark niya ang kotse sa gilid at bumaling sa akin. "Goodnight! See you tomorrow!" she cheerfully aforesaid.
"Thank you and goodnight, ingat ka pauwi!" I waved my hand before going in. She waves back too and drives away.
I am confused with all of these. I know I don't have to but I just can't stop myself. Maayos na kami ni Iver. Nagpapansinan na kami. I have new friends as well but somehow may nagpapabagabag sa akin. Pero bakit ko nga ba 'to iniisip? Wala namang problema. I am putting myself into a problem even though it doesn't even exist... or so I thought. I am making problems! Ang gulo ko!
Naglinis na agad ako ng katawan pagkapasok. Hindi na ako nagluto dahil kumain naman na ako kanina at busog pa. Pinulupot ko ang tuwalya sa katawan at lumabas ng banyo. I just pick some random shorts and a printed shirt. Sinusuklay ko ang buhok habang inayos ang higaan. I put down the comb and get my phone. I received 4 messages. I replied to my mother first before replying to Iver and... Keyla. And Kish?
After minutes my phone rings. Napakunot ang noo ko. Why is he calling me now? Kaka-kita lang namin kanina.
"Hello," he said first. His voice sounds deeps. "Oh? Napatawag ka?" He didn't answer but I hear him murmurs some words. "Wala naman sa batas 'yan, ah?" Nabitawan ko ang suklay sa narinig. Pinagsasabi nito?
"Nanggugulo ka naman gabing-gabi na!" natawa siya. "Matutulog na 'ko!" I continued.
"Okay... I just wanna hear your voice before closing my eyes to sleep." I went silent after a couple of minutes. He didn't say anything. Silence prevails. I count to ten before finally speaking up.
"Matutulog na 'ko. Goodnight," I didn't wait for his reply and immediately cut off the line. I hug my pillow tightly and shut my eyes. This... is nothing. I shook my head and drowned myself to sleep.
Umaga ng sabado nang makatanggap ako ng katok sa pinto. Nakahiga pa rin ako sa kama at tinatamad bumangon. It's already eight in the morning and I am still sleepy. Inayos ko muna ang sarili bago buksan ang pinto.
Pinasadaan ako ng tingin ni Aling Tess bago nagsalita. "Good morning, hija..." I offered a smile and greeted her too. "May naghahanap sayo sa labas, akala ko nakausap mo na pero sa tingin ko ay hindi pa base sa ayos mo ngayon!" Humagikhik siya habang pinapahid ang kamay sa suot na palda. I suddenly felt conscious. Sinigurado ko namang wala akong muta at panis na laway bago harapan ang kung sino man ang kumakatok... kaya ano ang ibig sabihin niya?
"'Wag kang mag-alala hija at maganda ka pa rin naman kahit ang gulo ng buhok mo!" she pointed my uncombed hair while giggling.
"Po?!"
"Maganda ka pa rin sabi ko! Sige na at may gagawin pa ako, harapin mo na ang bisita mo sa baba at mukhang gusto ka nang makausap." she dismissed herself after. Naiwan akong tulala habang tinatanaw siya sa malayo. Natauhan lang ako nang sumagi sa isip ko ang sinabi niya. Does someone want to talk to me? Who could it be? Malabo namang sina Mama dahil malayo sila... malabo ring si Iver dahil alam naman niya ang unit ko at paniguradong hindi na siya mag-aatubiling maghintay sa baba.
Napakunot ang noo ko sa nakita. Akala ko ba ay may gustong kumausap sa akin? Bakit wala? Luminga ako at tanging si Kuyang Guard lang ang nakita ko.
Lalapitan ko na sana si Kuya para magtanong kaso may biglang humablot sa braso ko. I dodged and grabbed my arm away. Napahinga ako ng malalim nang makita si Ash.
Hinampas-hampas ko siya dahil sa inis. He steps back avoiding my attack. He's laughing loudly and it caught Kuya's attention. Sumimangot ako dahil kita ko ring tumatawa siya. Ang unfair! Dapat ay lumapit siya at magtanong kung anong nangyayari pero kabaliktaran naman!
"Bweset ka!" asik ko.
"Sorry naman! Nakakatawa reaksyon mo! Sana nakita mo!" he's laughing as if it's last.
"Nakakatawa? Ha?! Ang saya mo bweset!" Umiiling siya habang pinupunasan ang luha kakatawa. Tumikhim siya at naging seryoso na.
"Musta na?" he asked out of the blue. "Maayos lang, kayo? Wala kang pasok?"
"Ayos lang din. Nag-resign na ako sa trabaho."
"Ha? Bakit? May problema ba?"
"Wala naman... mag-aaral na rin kasi ako." napangiti ako. "Talaga?! Saan?" I forgot to ask him before. Si Moika lang ata ang natanong ko.
"Sa amin... sa probinsiya," napawi ang ngiti ko. "Ganun ba? Kailan alis mo? Alam na ba nila Jaro?" tumango siya.
"Ikaw nalang ang hindi kaya kita pinuntahan."
My eyes suddenly watered. I bit my lip and pull him closer for a hug. I tap his back. "Thank you," I felt him smiled. He taps my back as well.
"Ikaw pa!"
Bumitaw lang kami sa isa't isa nang may biglang tumikhim. He's looking at Ash's hands sternly. Napabitaw si Ash sa hawak at pinasok ang kamay sa bulsa.
I studied his appearance for a minute. He's wearing a white polo shirt matching with black trousers and white shoes. He's even wearing sunglasses. He looks fresh in my eyes.
"What is this?" he brawls all of a sudden.