Inayos ko na ang mga gamit ko at ipinasok sa bag. Human Rights Law ang huling subject ko ngayong araw. Mas magaan ngayon kesa kanina na sobrang sumakit ang ulo ko. Ayoko talaga sa Criminal Procedure kaso wala naman akong magagawa. I need to learn that whether I like it or not. Buti nalang talaga mabait ang prof ko sa Crim II... kahit may edad na at mukhang pinaglihi sa sama ng loob mabait naman.
"Lou!" Nilingon ko si Keyla, na bagong kaibigan at kaklase sa tatlong subject. Na medyo naging ka-close ko na rin.
"Hi, may kelangan ka?" Inayos ko ang bag sa balikat at hinintay siyang makalapit sa gawi ko.
"Are you going home?" I nod. She adjusted her off-shoulder dress, showing much of her skin and clavicles. Ang sexy niyang tignan sa suot niya. At sobrang puti rin niya. May kamukha siya.
"Why? I mean... we should hang out today! First week of hell is done!" she pouted and crossed her arms. Nagmukha siyang batang nagmamaktol sa magulang. "You need to come with me, cheesy, please! I promise you'll definitely enjoy it!"
Pinagtitinginan kaming dalawa ngayon sa hallway kaya hinila ko siya sa may gilid. Kung bakit kasi nasa gitna kami ng daan nag-uusap! May sumipol pa ngang mga seniors.
"Safe ba 'yan?" tanong ko. Mahirap na at baka may mangyari pang hindi maganda. "Of course! So?" She wiggled her brows while waiting for my answer.
Tumango ako. "Saan ba?"
"Acustica," Hinawakan na niya ako sa braso at walang pasubaling kinaladkad papuntang parking lot kung nasaan ang sasakyan niya.
Hindi ko alam kung saan at ano 'yan pero tingin ko naman safe ang lugar na pupuntahan namin. Pinindot na niya ang key fob at inaya na niya akong pumasok. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako sa sasakyan niya. Pang-limang beses na ata. Lagi niya kasi akong isinasama kapag may bibilhin siya sa mall... kahit sa break time umaalis siya ng campus para lang mag-mall kaya simula nang makikilala namin ang isa't isa damay na ako sa lakad niya.
Hindi nalagpas sa kinse minuto ang byahe namin dahil malapit lang pala 'to sa campus. May ilang customer sa loob ng bistro pagpasok namin. Binati ni Keyla ang ilang kakilala at nagtungo sa mesang malapit sa live band na tingin ko mamaya pa dahil maaga pa naman.
"What do you want? And oh- do you like the place?" she asked while tapping her phone. She raised it right just to level my face. Tumango ako kahit hindi siya nakatingin.
I scan the whole surroundings. May ilang estudyante akong nakita malapit sa bar counter. Maingay sila at nag-aasaran. Ilan sa kanila taga-UST at may taga-UE rin... base sa uniform na suot. May ilan pang magkakabarkada akong nakita. Kakaunti pa lang naman ang tao dahil mag-aalas syete pa lang naman.
"Order na tayo," tinawag niya ang waiter. "One spaghetti bolognese... add more parmesan cheese and iced tea nalang for my drinks. What's yours?" ngumiti siya sa waiter pagkatapos.
May kamahalan ang mga pagkain dito at sana talaga masarap nang di masayang ang ibabayad ko.
"Carbonara nalang sa 'kin at tubig." Tumango ang waiter at saka umalis.
Kanina pa panay pindot si Keyla sa cellphone niya at mukhang busy'ng busy sa kausap. Parang hindi ako kasama ng isang 'to.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Ilang segundo muna ang dumaan bago niya ako binalingan ng tingin.
"Oops... may sasabihin nga pala ako sayo dapat!"
Pinanliitan ko siya ng mata bago tinanong. "Ano 'yun?"
"Some of my friends will be here... later," she smiled cutely. Sumimangot ako sa narinig. Sana pala umuwi nalang ako at hindi na sumama sa isang 'to. May katagpo palang iba.
"E, di dapat uwi na 'ko?" Nanlaki ang mata niya at umiling nang paulit ulit. "No! You'll stay here with me!" Hinalungkat niya muli ang cellphone at may ti-nype roon. Ang bilis niyang makapindot.
"Hindi ba nakakahiya? Siguro uuwi nalang ako,"
"Gosh... NO! Dito ka muna... papakilala kita sa kanila. Don't worry they won't eat nor kill you, no! Mabait sila at... most trusted." I hesitantly nod. Kung aalis ako sayang naman 'yong inorder ko... at hindi ko masyadong kabisado ang dinaanan namin kanina. I think it's not that far from the campus.
Ayoko naman umuwi na hindi kasama ang isang 'to. Sinama niya ako at dapat lang na ihatid niya ako pabalik sa campus.
"Malapit na siguro sila," she looked at her painted nails. Napatingin din ako roon. Bagay sa kanya ang itim na kulay.
"Ah, marami ba sila?" I asked.
"Hmm... siguro nasa mga apat? Don't know exactly baka kasi may biglang sumulpot na kabute." she frantically rolls her eyes. Tumango ako sa isip at piniling tumahimik nalang.
"Here's your order po," Inilapag na sa amin ang inorder na pagkain. Natakam ako sa naamoy. It looks delicious. Sana masarap para sulit ang bayad.
"Thank you,"
Hindi naman ako nagkamali dahil masarap ang pagkain nila rito. Sulit na sulit ang bayad. Inen-joy lang namin ang pag kain at minsan nagku-kwentuhan kami sa kung ano-anong bagay.
Nasa huling subo na ako nang may lumapit sa amin. Kanina pa tapos kumain si Keyla at umiinom na lang ng iced tea niya. Hindi kita ni Keyla kung sino dahil nakatalikod siya.
Pinagmasdan ko siya at naalalang naging customer pala 'to sa cafe. Siya 'yong babaeng tahimik na kasama ni Riu! Teka... magkakilala sila?
"Keyla," tawag nito sa kaharap ko. Natapos na siya sa pag-inom at binalingan ang tumawag.
"Hi, Ate! Have a seat," Pinaupo niya ang kausap at lumingon sa akin. "Lourei, this is Ate Raiah... she's my cousin."
"Hello po," bati ko. She smiled and greeted me too.
"I remember you." Nagulat ako dahil naaalala niya rin pala ako. "You're working in the cafe, right?" she looks so radiant when smiling.
Sasagot na sana ako nang may nagsilapit ulit. At nakakagulat dahil namu-mukhaan ko sila lahat! Keyla stands up and waves her hand.
"Hey, guys! I missed you all!" she's smiling widely. Bigla akong nakaramdam ng nahiya dahil parang ako lang ata ang bago sa paningin nila.
"Tsk, I saw you yesterday." ani ni Leon. Siya nga... 'yong lalaki sa simbahan at sa roadhouse! Akalain mo nga naman magkakilala pala sila.
"Shut up! I am not pertaining to you... I don't miss you, duh!" Busangot si Keyla nang humarap sa akin.
"Lou, meet my friends!" tumayo ako kahit nahihiya.
"Hello po sa inyo!" nanlaki ang mata ni Leon nang makita ako. "Lourei!" Lumapit siya at inilahad ang kamay. Tinanggap ko naman.
"Magkakilala kayo?"
"Sort of, kid." sagot ni Leon. Tinirik ni Keyla ang mata saka umupo.
"Hi, I'm Vance." ngumiti ako at tinanggap din ang kamay.
"I'm Brookelyn, just call me Brooke. Nice to meet you!" I smiled. Siya 'yong kasama ni Raiah at Riu sa cafe... 'yung madaldal at nagre-reklamo!
Ang liit naman ng mundo. Hindi ako makapaniwala sa nalaman!
Nagkamustahan sila at nauwi rin sa asaran. Sinasama rin nila ako sa usapan at nakakatuwa lang dahil hindi na ako naiilang sa kanila... medyo nalang.
"By the way, where is Kish? And..." she cleared her throat "Iver?"
Anong sabi niya? Don't tell me kilala niya rin sila? Hihimatayin ata ako Lord! Okay...
"On the way na," sagot ni Raiah sa pinsan.