It's Sunday morning when I decided to attend the mass first before heading to the mall. Isasama ko sana si Jaro kaso naalala ko may pasok pala siya sa trabaho.
Isang linggo nalang ang natitira at magpapaalam na ako sa kanila. Magpapasukan na. At kinakabahan ako sa mangyayari.
Mahigit isang oras bago natapos ang misa. The church is packed with people. Karamihan sa kanila ay kasama ang buong pamilya. Bigla ko tuloy namiss sina Mama at Llara. I suddenly wish there with me now, just for this day.
"Ate ganda, bili ka po ng Sampaguita," Hinila ng bata ang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Inilahad niya sa akin ang sampaguitang hawak.
"Sus, binobola mo lang ako para bumili, e." I pinched her cheek and smiled. "Sige na nga, akin na,"
Ngumiti siya nang malaki at tumango.
"Ito po! Pero totoo po yung sinabi ko, maganda ka po! Mas maganda ka pa po kesa sa ate ko!" bolerang bata. Nakuha pa akong ikumpara sa sariling kadugo.
"Magagalit ate mo nyan kapag nalaman niya, tsk tsk." Lumabi siya at hinila ako para mapantayan siya.
"Maganda ka po. May boyfriend ka na po ba?" I laughed and shook my head. "Talaga po?! May kakilala po ako! Napakagwapo po non! Papakilala po kita,"
"Totoo? Sige nga pakilala mo 'ko." Biro ko dahil alam ko namang hindi mangyayari yun.
"Wala pong bawian, ah! Tawagin ko lang po, 'wag ka pong aalis!" Nagtatakbo siya at halatang nagmamadali.
"Teka lang!" sigaw ko. Some people look at me weirdly. I faked a smile and followed the girl inside the church.
Hindi naman siya mahirap hanapin dahil kakaunti lang naman ang natitira sa loob ng simbahan. Tatawagin ko na sana siya para magpaalam kaso huli na dahil nakalapit na siya sa lalaking nakatalikod.
Kita ko kung paano tratuhin ng lalaki ang bata. Malayo man ramdam ko ang masayang usapan nila. My jaw dropped when I see his face. He's like a model, and I bet he is.
Hindi ko namalayan ang paglapit nila dahil nakatuon ang presensya ko sa lalaki. Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring may hinahanap.
"Ate! Dito ka pala,"
"A-h! Magpapaa-" The stranger cut me off.
"Siya ba, Niña?"
"Opo! Ganda diba po?" masayang pumalakpak ang bata. I mentally slapped myself for coming here.
"Yes, pakilala mo naman ako!" He wiggled his brows before looking at me.
Gwapo nga kaso parang playboy naman. May naalala tuloy ako at napaismid.
"Ay, hindi pa pala ako kilala ni ate!" Natawa ang katabi niya habang seryoso ko namang pinagmamasdan silang dalawa.
Hindi naman siguro sila mga meyembro ng sindikato. Sana. Uso pa naman ngayon ang kidnapping. Kinabahan ako bigla.
"Ate, ako nga pala si Niña at ito naman po si Kuya Leon, ang gwapo diba po?" Napahagikhik ang lalaki sa narinig. Is he a member of a syndicate or not? Gwapo siya, oo, but looks can be deceiving.
"Ate!" Niña shouted and my eyes widen because of shock. "Ate naman, hindi ka po nakikinig, e!"
"Ha? Sorry! May naalala lang ako bigla," I smiled before continuing. "I'm Lourei,"