Napag-desisyonan kong maghanap muna ng trabaho bago magpasukan para may pera ako kung sakaling may babayaran. At para narin hindi ma-moblema si Mama.
Alam ko namang sapat kaming ipon para sa pag-aaral naming magkapatid pero mas mabuti narin yung may sarili akong pera.
Maging praktikal sabi nga nila.
Hindi alam ni Mama na magtatrabaho ako dahil paniguradong magagalit yun kapag nalaman niya. Tanging si Llara lang ang nakakaalam dahil matagal ko na 'tong sinabi sa kanya.
Buti nalang at nakahanap agad ako. Magtatatlong linggo na rin ako dito sa Manila. Pagkatapos non saka ako naglakas ng loob na maghanap ng trabaho.
Isang linggo narin ako dito sa pinagtatrabahuan ko at maayos naman ang pakikitungo ng mga kasama ko sa akin. Mabait din yung boss ko na isa sa ipinagpapasalamat ko.
"Lourei, paserve naman 'to sa table 3. Naiihi na kasi ako." Sabi ni Jaro na halatang kanina pa nagpipigil na makaihi.
"Sige akin na at baka maihi ka dyan. Patay ka kay boss kapag nangyari yun!" Pabiro naman niya akong hinampas.
Hinagilap ko muna yung table saka lumapit. Aba ang sisipag naman ng mga 'to. Wala pang pasok pero nag-aaral na. Tatlong silang nasa lamesa. Dalawang babae at isang lalaki.
Nagdadaldalan yung lalaki at yung isang babae. Habang yung isa naman tahimik lang habang nagbabasa. Sus akala ko talaga nag-aaral ng seryoso yun pala nagku-kwentuhan lang. o baka naman nagpapahinga lang. Ang judger ko naman!
"Ang tagal naman ni Leon! Kanina pa tayo dito diba sabi niya malapit na? Asan na?" Rinig kong reklamo nong isang babae.
Hula ko mga anak-mayaman sila. Hindi naman sa hilig ko pero kita ko sa suot na relo nong lalaki Rolex ang brand. Alam ko mahal yun e dahil may ganun din yung tatay ni Jule, si mayor. Yung babaeng maingay naman Gucci yung sapatos tas yung isang tahimik Balenciaga ang sapatos.
Lahat sila nakaporma. Para silang mga celebrity tignan. Yung dalawang babae lang ang kita ko dahil nakatalikod yung lalaki sa akin kaya di ko makita yung mukha niya pero tingin ko gwapo.
Tumawa yung lalaki. Ang sarap pakinggan.
"He texted earlier." ani nong lalaki. Napatingin naman sa kanya yung babaeng tahimik.
"Ano sabi? On the way na? Gosh!"
"He fetches Kish and Vance." Pabiro naman niyang pinitik ang noo ng babae. Samantalang bumalik sa pagbabasa yung isang kasama nila.
Narinig ko may binanggit siyang pangalan pero tingin ko namang hindi siya yun. Andaming nagngangalang Kish sa mundo kaya malabo.
Lumapit na ako sa kanila para ibigay yung inorder.
"Excuse me po, here's your order, Ma'am and Sir. Enjoy!" Malawak ang ngiting ibinigay ko sa kanila. Dahil isa yun sa patakaran dito.
Always give your customer a warm smile. A smile that brings light.
Ngayon na sa akin na ang buong atensyon nong tatlo. Nakakahiya sa dalawang babae dahil kita ko kung gaano kakinis ang mukha nila, wala ring kapores pores!
Maganda yung babaeng tahimik kahit may suot na salamin, pero kahit na nakasalamin, kita ko pa rin kung gaano kahaba ang pilik-mata niya! Perpektong perpekto ang mukha niya. Para siyang anghel sa ganda.