10

37 0 0
                                    

"T-ara na!"


My heart is beating so fast. Pinagpapawisan na rin ako kahit na may aircon naman sa loob ng sasakyan niya. Para akong natatae na ewan.


Ang daming pumapasok sa utak ko pero ayoko munang isipin dahil sumasakit ang ulo ko.


Ano nalang ang sasabihin ko kay Kish matapos kong mag-walk out kagabi? Ni hindi ko sila pinansin habang nagmamadali akong umalis. Ilang beses nila akong tinawag pero wala isa sa kanila ang pinaunlakan ko.


Simula nong nangyari kagabi wala na sa katinuan ang pag-iisip ko. Bakit kasi hinayaan ko siyang gawin ang bagay na 'yon sa 'kin! Tapos makikita ko pa siya ngayon! At higit sa lahat kasama pa!


Higit sa lahat, bakit nanghahalik siya?! Ang daming taong nakakita!


"Ayaw,"


"B-ahala ka kung ayaw mo! Buksan mo na!"


Ang kulit din nang isang 'to. Parang bata. Madali pa atang kausap si Llara kesa dito.


"Ayaw ko," I sigh. Tulungan niyo po ako Lord! Nagsimba pa naman ako kanina tapos ito mangyayari sa 'kin?! Nakinig naman ako sa homily ni Father, kumanta din naman ako. Bakit?!


"Sebastian, isa!"


Nagtitimpi lang ako sa supladong 'to.


"Dalawa," he mocked. Ama Namin!


"Kung ayaw mong buksan 'to babasagin ko bintana nito! Seryoso ako!"


Ngumiti siya.


"Usap muna tayo,"


"Hindi ba pa tayo nag-uusap sa lagay na 'to?"


"Matino kasi," hinilot ko ang sentido dahil sumasakit na ulo ko. Inhale, exhale.


"Sige, magsalita ka na."


"About last night," he started explaining. "I... don't want you to see me as a hungry animal. I mean, you know... I am not really like that. It was just a misunderstanding and I was just... distracted. Damn it! It's hard to explain... curse me for being not good in explaining things like this. But you know what? I am not sorry for the kiss. I'm actually proud of what I did." he smirked.


Napalunok ako sa narinig. Anong ibig niyang sabihin? Di ko kasi na-gets. Naiwan din ata utak ko sa mall.


"Well,"


He pressed something. I couldn't move.


"Anong masasabi mo?" he asked while nearing me. Umatras naman ako at sumiksik sa may bintana.


"Okay! I mean, ayos lang." I looked away because he's going close to me.


"Is that all?" he studied my reaction. Tumango ako kahit hindi nakatingin sa kanya.


Sinubukan kong buksan ang pinto at hindi naman ako nabigo. Lumunok muna ako bago hinarap siya pero isang pagkakamali dahil sobrang lapit na niya sa 'kin. Halos maduling ako sa sobrang lapit. Namula ako sa hiya.


"Oh?"


"Aalis na 'ko," I uttered softly.


Nakahinga naman ako nang maluwag matapos makababa. Akala ko pipigilan na naman niya 'ko.


"Silly,"


He's now back to his original position. Hindi pa rin nakasarado ang pinto kaya inabot ko para isara. Tumawa siya bigla kaya napahinto ako sa balak.


Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon