The customer is smiling widely when I gave him his order. I do the same and politely bowed my head. Nag-iisa lang siya habang may ginagawa sa kanyang laptop. A bunch of papers scattered around the table. Kanina pa siya rito at pangalawang order na niya.
I knew because I was the one who takes his first order.
"Thank you, Miss Lou." He removed his eyeglasses and grab his coffee... the weather is hot yet he still ordered a coffee. "You're welcome po,"
"Are you studying?" he asked out of nowhere.
"Opo,"
"From what university? Perhaps college?" Nagsisimula na akong mailang sa kanya sa totoo lang. Nakakailang siyang tumingin. "UST po... excuse me po magta-trababaho na po ako." he didn't answer and continue eyeing me. I quickly leave without giving him the privilege to speak.
I don't want to judge the old guy so I still give him a smile every time I noticed him looking at me. He looks respectable and... noble though.
It's already four in the afternoon and the sun is burning so bad outside. Kapag may pumapasok at lumalabas na customer mararamdaman mo ang init. Kahit may aircon pinagpapawisan ang ilan sa amin.
Hustisya naman.
"Lou,"
"Oh?"
"Busy ka?" I am still cleaning the table when Jaro came. "Hindi naman, bakit?"
"Sama ka maya..."
"Saan?"
"Balak naming mag-roadhouse mamaya," napa-isip ako saglit bago pumayag. Aalis na ako sa trabaho kaya lulubusin ko na 'to. "Sigurado ka? Hindi ka pa nagpaalam sa Mama mo, ah..."
"Mamaya sasabihin ko," Sumang-ayon naman siya pero kapag hindi raw pumayag siya mismo ang kakausap. Mas lalo atang hindi papayag kapag siya ang kakausap kay Mama.
Day passed by and we're inside the roadhouse now. Nag-order na kami at hinihintay nalang. The two boys ordered some beer. Para raw sa lahat 'yon... hindi naman ako umiinom.
Wala si Moika ngayon. She disappeared after joining us at lunch. Nagtaka kami sa inasta niya. Hindi naman siya ganoon dati pero bakit nag-iba na siya ngayon? Nagpakita lang siya tapos umalis agad... ni hindi pa naman niya day-off ngayong araw.
Kanina pa panay ungot si Ate Ja tungkol sa nangyari kanina. We are all worried about her but it's just nothing from her. Hindi umimik ang dalawa pero alam kong nagtataka rin sila kay Moika. The innocent Moika we knew suddenly changed.
"Anong nakain ni Moika at nagka-ganon siya? Ang layo sa dating Moika..."
"Umasenso bigla hindi man lang tayo binalatuhan," Binatukan ni Ate Ja si Ash dahil sa sinabi. "Pinagsasabi mo dyan? Inuna mo pa talagang isipin 'yan! Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?" he went silent and drink the beer. Nasa kalahati na ang nainom niya saka pa lang niya ibinaba nang maubos. He sighed later on.
"Syempre nag-aalala ako sa kanya... kaibigan natin 'yun,"
"Tss..."
Walang usapan na naganap habang kumakain kami hanggang sa matapos. Ang maingay na si Jaro naging tahimik din bigla. Moika... nag-aalala kami sayo pero bakit parang wala lang sayo? Hindi pa naman ako sanay na ganto kami.
Last week ko na sa trabaho saka naman nagkaganito...
"Anong plano? Sulungin natin?" Ash suggested. I threw him a glare. Seryoso kaming tatlo dito tapos siya nakuha pang magbiro ng ganyan. "Umayos ka nga pre!" Sabat ni Jaro na kanina pa ata malalim ang iniisip.