Mag-iisang buwan na mahigit mula nong nagtrabaho ako at maayos naman ang lahat. Mas lalong naging close kami ni Jaro pati narin yung ibang katrabaho ko.
Bahay-trabaho parin ako pero minsan sumasama ako sa kanila gumimik. Ayos lang din naman dahil masaya sila kasama. Nagpapaalam din ako kay Mama kapag gumigimik pero bago yun, syempre, may mahabang sermon muna. Sa huli, papayag din naman.
Na-ikwento ko na rin ang tungkol sa trabaho ko dahil na rin sa kapatid kong ubod ng daldal. Nalaman tuloy ni Mama ang pinaggagawa ko habang wala pang pasok. I promised her I'd stop when school starts.
"Lou," tawag sa 'kin ni Ate Ja. Nandito kami sa tinutuluyan niya dahil birthday niya ngayong araw.
"Po?"
"Kain ka pa. Marami pa rito, oh."
"Busog na po ako Ate Ja. Ang sakit na nga po ng tyan ko kakakain, eh."
Hinimas himas ko pa yung tyan ko na parang buntis. Lumalaki na nga. Tumawa naman siya.
"Ikaw bahala, pero padadalhan nalang kita 'pag umuwi ka."
"'Wag na po! Ayos na po ako tsaka nakakahiya naman po."
"Aba't nahiya ka pa! Dalhin mo mamaya yung ibibigay ko, ha!"
Kahit na nahihiya, tumango nalang ako. Sayang naman din yung blessing.
Mag-isa lang siya dito sa tinutuluyan niya dahil 'yong pamilya niya nasa probinsya. May kapatid siya na mas bata sa akin ng isang taon. Nag-aaral din tulad ko.
"Malapit na pasukan, ah. Anong balak mo?" si Jaro, nasa tabi ko habang kumakain. Ang totoo niyan, kanina pa siya kumakain. Ako na ang nahihiya para sa kanya. Ang takaw pang kumain.
May tatlong linggo pa bago magpasukan kaya balak ko na ring mamili ng gamit kapag day-off ko na.
"Siguro next week, sa day-off ko."
"Ayos. Pwedeng sumama?"
"Bakit? May bibilhin ka rin? Diba may trabaho ka?" kumunot ang noo niya.
"Sus. Magpapaalam ako kay boss para masamahan ka." I studied him.
"'Wag na! Alam ko na rin naman yung sakayan, e. Maabala pa kita sa trabaho tsaka sayang yung sweldo mo, sige ka."
May policy kasi si boss na kapag umabsent ka, mababawasan yung sweldo mo sa susunod. Given naman talaga kapag ganon. Nanakot lang siya. Hmph.
"Di ka nakakaabala, no. Baka lang kasi mawala ka. Mahirap na." he blushed.
Sasagot na sana ako kaso biglang tumikhim si Ash na nasa tabi.
"Ang sabihin mo, takot ka lang na baka may makitang iba."
Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Pinagsasabi mo dyan? Ang gulo ng imagination mo pre. Ayusin mo nga."
"Bahala ka pre, basta sinabi ko lang para malinawan ka. Sige ka, malapit na magpasukan, di mo na makikita."