Kung kahapon ay maraming customer ngayon naman ay mas lalong dumoble ang tao. Kailangan pang mag-antay na matapos yung iba para magkaroon ng vacant table.
Napagalitan nga si Jaro kanina nong isang customer dahil bakit daw wala pang table na available buti nalang ay dumating yung manager at siya na mismo ang nagpaliwanag.
I even raised my brow slightly to the customer, Jaro's not at fault.
Marami namang table dito sa cafe kaso sobrang dami talaga ng tao ngayon. Wala naman kaming pa promo ngayon pero ewan ko ba kung bakit dinagsa kami ngayon.
Mag-aalas dos na at tirik na tirik yung araw kaya pawis na pawis na ako. Inutusan kasi akong bumili ng pearls dahil naubusan na kami. Sa sobrang dami ba naman kasi tas panay add ons pa yung iba.
Nagpresenta si Jaro na siya na raw ang bibili kaso mas kailangan siya dahil isa rin siyang barista bukod sa pagiging waiter. Wala na rin siyang magawa dahil pumayag na ako. Ayos lang din naman sa akin kasi malapit lang at alam ko narin naman yung bilihan dahil minsan na akong sinama ni Jaro.
"Ang tagal naman ng jeep..." I whispered wishing the jeep to come.
"Sabay kana sa akin Miss..." Hinanap ko yung nagsalita at nagulat ako dahil siya yung lalaking humawak sa braso ko nong nakaraan. Iyong gwapo!
"Po? Naku ayos lang ako, pero salamat po." tumawa siya ng bahagya sabay iling. He's so handsome. The burning sun makes his skin red, lalo na ang tenga niya. Ang cute tignan.
"I insist. It's too hot here, you'll get sick." aniya sabay hatak sa akin.
"H-ala! Teka lang po! Baka kasi makaabala ako sayo tsaka ibang way ka po ata." I pulled away my forearm with his touch.
"Nope, sa cafe ka diba?" tumango ako. Tuluyan na akong nakapasok sa sasakyan niya. Amoy na amoy ko yung matapang na pabango niya pero di naman masakit sa ilong.
I giggled like a kid.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Minsan napapatingin ako sa kanya pero nahuhuli niya ako kaya tinatakpan ko yung mukha ko gamit ang kamay. Naririnig ko rin na tumatawa siya minsan. So I cleared my throat.
"So, mind if I ask your name?" putol niya sa katahimikan.
"Lourei po,"
"Nice. I'm Riu."
"Ah."
"Mind if I ask how old are you? You keep on saying po to me." napaubo ako sa hiya. Base kasi sa hitsura, mas matanda siya sa akin kaya pino-po ko siya. I looked at him.
"19 na ako. Ikaw?"
"Oh... I'm 23 already but can you just call me by my name? Hope it's not too much to ask." he smiled.
"Hindi naman."
"You study?"
"Oo, sa UST."
"That's nice. I graduated there. How about you?"
"Wow talaga? Congrats pala kahit late." hagikhik ko, narinig niya kaya tumawa rin siya.
"Yeah, thanks anyway. So, you're taking?"
"I'm taking law, 2nd year."
"Future attorney then?" he smirked.