Matapos niyang kumain ay siya na rin ang naghugas ng pinagkainan. I volunteered but he refuses to. Siya naman kasi raw ang gumamit kaya dapat lang na siya ang maglinis.
Ganito siya lagi.
Pinapanuod ko lang siya sa ginagawa. In fairness naman sa kanya kasi kahit mayaman sila, alam niya ang simpleng gawain sa bahay. Masinop din siya sa gamit o sa kung anong bagay. Hindi naman siya matatawag na maarte, sadyang ayaw niya lang talaga ng kalat.
"Hinaan mo naman 'yang tubig!" Asik ko nang mapansing sobrang lakas niyang gumamit ng tubig.
Tipid na tipid na nga ako tapos siya parang wala lang. Kapag siguro bukod ang bayaran sa tubig malaki 'yong bill ko. Dapat pala pinagbabawalan 'to. At dapat pala ako nalang ang naghuhugas. Buti nalang talaga.
"Oh! Sorry, naantok na kasi ako," Sagot niya habang kinukuha ang pamunas sa kamay. Humihikab siya paminsan-minsan, medyo namumula na ang mga mata niya. Halata masyado ang eyebags niya pero kahit ganon, hindi naman nabawasan ang appeal niya.
Hay thesis. Bakit ka ba na-imbento?
"Kaya mo pa ba? I mean, baka kasi makatulog ka habang nagmamaneho. Ma-aksidente ka pa," Kahit pa sabihing wala nang traffic sa daan, mahirap na, dahil alam naman ng karamihan na mabilis na magpatakbo ang mga driver kapag gantong oras.
Nakatayo lang ako sa gilid ng maliit na mesa habang sinusundan ang galaw niya. Inikot niya ang tingin na parang may nakaligtaang gawin. Sunod naman niyang tiningnan ang mesa na nasa gilid ko, kung may dumi pa ba. Nang mapansing wala ay saka bahagyang tumango.
He looks contented.
"Oy, sagot," Mapupungay na mga mata ang bumaling sa akin. "Sorry, what is it again?" I bit my tongue. Grabe mahina ba boses ko? Hindi ba malinaw? O nabingi na 'to? O baka inaantok lang talaga siya?
Umayos ako ng tayo. I glanced at the bedside clock and faced him. "Sabi ko, kaya mo pa bang magmaneho? Gabi na at alam mo namang sobrang mabilis na magpatakbo ang mga tao ngayon ng sasakyan. You might get yourself into an accident,"
Instead of answering my question, he went to my single bed and shoves himself to sleep. Kinuha niya ang isang unan upang itakip sa mukha. Walang balak na makipag-usap o masermonan.
Saan ako pa-patulugin ng isang 'to? Alangan namang mag-tabi e ang liit ng kama... Not that I want to though.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang marinig na humihilik na siya. I didn't have a choice but to get my extra sheets and pillows. Kita mo naman ang isang 'to, sarap na sarap na sa tulog niya samantalang ako maglalatag pa lang sa sahig.
Imbes na magreklamo pa, hinayaan ko na lang. Ayoko naman siyang abalahin at gisingin pa dahil mukhang pagod na pagod talaga ang isang 'to. Naka-ilang sleepless nights kaya siya?
This is actually the first time he sleeps here. Hindi ko siya hinahayaan na dito matulog pero sadyang makapal ang bungo niya ngayon.
He's tired, I know. I am tired too, but I can still deal with it.
People may think that I should be the one sleeping in the bed and not him, I get it. But it's fine with me sleeping here. So what if siya ang nasa kama at hindi ako? Is that really a big deal? Oh come on, it doesn't make us less human. Where's the equality in that? Magugulat ka nalang na naging bagay na ako kapag nagising. O magugulat ka nalang na naging lalaki na ako.
Things aren't going to be the way we wanted. Embrace and accept it instead.
I've noticed his socks, I am contemplating if I should strip them off of him or not. In the end, tinanggal ko na lang rin baka mas lalo pa siyang mainitan. Buti nalang at hindi siya nagising.