Nakabusangot ako habang kaharap si Sebastian. Kanina ko pa siya tinatanong kung anong kailangan niya pero iniiba niya ang usapan. I even make a weird face but in the end, he only laughs.
We're here at a known coffee shop around Metro. Nagsisi ako kung bakit ako pumayag sa kanya ngayon. Basta nalang niya akong hinila pagkatapos kong sumang-ayon. Ang ending napunta kami ngayon dito. At malayo pa sa tinutuluyan ko.
"Ayaw mo ba?" He asked while pointing the drink using his reddish lips.
I felt cold while looking at his lips. Sa dami ng pwedeng gamiting panturo bakit labi niya pa? Pwede namang tinidor na hawak niya! May hidden agenda ata ang isang 'to.
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Kanina pa tayo dito." Ibinaba niya ang hawak at pinulot ang tissue na nasa lamesa.
He grins before pouting. He thinks his cute doing that.
"Hoy! Umayos ka nga, parang tanga lang." he pouted even more.
Namumula na ako sa inis... at sa naalala. Mahabagin, kahapon lang nangyari yun!
Hindi naman kami close nito pero umasta parang isang dekada na kaming magkakilala. Nanghalik lang akala feeling close na!
"Wala kang sasabihin? Uuwi na 'ko," Tatayo na sana ako pero napigilan niya gamit ang kamay.
"Ubusin mo muna 'yan bago tayo mag-usap. Walang usapan ang magaganap kapag may nakita akong tira."
I look at him with so much irritation. Kung bulkan lang ako malamang kanina pa puno ng lava ang buong paligid. I scowled before picking up the fork. I also took a sipped on the frappé he ordered for me.
"Good girl," he commented and finished his own order.
Minadali ko ang akin dahil malapit na siyang matapos. Muntik pa akong mabulunan sa ginawa. I smirked after noticing how worried he was. In the end, sumimangot ulit dahil pinagalitan ako.
"Can you eat slowly?! Pano kung may masamang nangyari sayo?" he's glaring at me. "I can order what you want and give you want you need but please, be careful!"
Natahimik ako sa narinig. Akala mo talaga mamamatay na ako. Pero deep inside na-touch ako sa nalaman.
He cares for me even though we only met several days. He's only a stranger to me but today based on his actions it turns out we've known each other for so long. I felt guilty.
"I'm sorry," I can't even look at him properly.
"If you're sorry why not look at me? Tss," His expression changed into sour.
"Hoy, ang arte mo, ah! Sorry na nga," Tinatagan ko ang loob bago nakipagtitigan sa kanya kahit na kinakabahan. I make it a joke.
Ilang minuto muna bago siya nagsalita. Akala ko hindi na niya ako papansinin.
"Are you done?" his cold voice lingers to my skin.
"A-h, oo. Bakit aalis na ba tayo?" nautal pa ako sa sobrang kaba. Hindi siya sumagot at naunang naglakad papalabas. Ginalit ko ata lalo.
Nasa parking lot na kami pero wala pa rin siyang imik. Pinagbuksan niya lang ako ng pinto at maliban doon wala na.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita habang nasa byahe. I want to speak but I'm afraid of what will be his reaction. I sigh and look at the buildings we're passing through.