Hola Señorita's! I am really hesitating to upload all of the chapters as I am still waiting the email of wattpad for the recovery of my old account. Apparently, still posting anyway. hehehe!
I really appreciate your votes and comments guys! Love lots!
Drunk
Natapos na rin ang last subject ko ngayon araw na ito. Nag-aayos ako ng mga gamit ko at palabas na sana nang tinawag ako ni Hope.
"Bakit?" lumingon ako sa kanya.
"Nagyaya sila Stephanie magbar. Game ka?" tanong nito sa akin.
Nagdalawang isip ako bigla. Hindi naman sa may nangyari sa akin na masama, ayaw ko lang sa ngayon. Gusto ko sana magrelax at manood lang ng netflix. Atsaka wala akong kasabay mamaya umuwi sa dorm ko dagdag pa at wala akong sasakyan.
"Pass muna ako."
"Ang KJ mo naman Abby ngayon lang ulit tayo magkakasama magka-block mate at baka sa susunod na araw magiging busy na tayo. Sama kana." pagpipililit nito sa akin.
"Wala akong kasabay umuwi mamaya at magrereview pa ako." Palusot ko sa kanya at akmang lalabas na ako ng pintuan nang hinarangan niya ako.
"Problema ba yun makisabay ka nalang umuwi kila Stephanie at malapit lang naman dorm nila sa University. Pwede naman ipabukas yang review sis at waley naman pasok."
"Steph sabay na sa inyo si Abby umuwi mamaya." Sigaw ni Hope.
"Sure." Nag-thumps up pa si Stephanie.
I rolled my eyes. Siguro kahit anong palusot ko sa kanya gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan sumama ako.
"Sige na nga sasama na ako."
Bigla naman ito napatili kasabay na niyakap ako. Lumapit na rin ang iba pa naming kablock mate sa amin.
"Ano tara na?" Yaya ni Gelo sa amin.
"Iwan ko lang sa dorm itong bag ko. Kaninong bang saksakyan ang gagamitin?" Tanong ko.
"Kila Albert, Mark , at sa akin. Sige bilisan mo, kita nalang tayo sa parking lot."
Dali akong lumabas sa classroom at tumakbo na sa dormitory. Buti nalang at malapit lang ang building sa dorm ko at hindi ako mahihirapan makarating mamaya sa parking lot.
Nang makarating ako sa kwarto nilapag ko na bag sa higaan ko at nagpalit na rin ako ng pangitaas. Bago ako umalis tinignan ko ang sarili sa salamin.
My black hair is about my shoulder. Kulot din ang dulo ng aking buhok. Almond eyes, thin sharp nose, and pinkish lips. Naglagay lang ako ng liptint at bulbo. I look more decent.
Natural look lang ang aim ko at hindi naman ako masyado mahilig maglagay nang kololorete sa mukha.
Kumuha ako ng sticky note at nagsulat para ipagbigay-alam si Mia na malalate ako uuwi mamaya. Lumabas na rin ako at nagpaalam rin kay Ma'am Mabel.
Nang nakarating na ako sa parking lot nakasandal sila lahat sa sasakyan. Yung iba siguro nauna na umalis at kaming batch nalang ang huli dahil hinintay nila ako.
"'Gan na pala si Abby." Sabi ng isa kong kaklase.
"Nag-ayos ka pa ah. Maghahanap ka siguro ng boylet duon." Bulong ni Grace sa akin sabay sundot sa taligiran ko.
Sobra ba ang pag-aayos ko? Liptint at bulbo lang ang gamit ko ah. Sadyang maganda na ako dati, nagplus- ten lang ngayon. Hindi ko nalang siya sinagot at pumasok na sa loob ng kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/250668109-288-k594726.jpg)
BINABASA MO ANG
Until There Was You
RomanceEveryone's life has its own wishes and dreams, and Abigaile Garcia is not an exemption to that. Simula nang namatay ang Ama nito, she set a goal with ambition and high hopes in her life. To reach what her Father dreamed for her and one day it will...